EVILMERODAC
Ah! Oo ,iha , ang kolum na ito na Karunungang Lihim ay hindi para sa relihiyon . Hindi po tayo nag-e-engganyo na mapalit ng pananampalataya ang bawat tao, at kahit nga ang mga walang relihiyon , hindi rin po natin nais na pakialaman ang kanilang paniwala.
Magkaganunman , may mga pagkakataon na tinatalakay natin ang tungkol sa tinatawag na Diyos at dahil ang salitang “Diyos” ay inuugnay sa pananampalataya , hindi maiwasan na ang iba ay nag-akalalang may kaugnayan sa relihyon ang paksa.
Minsan naman , ang Diyos na kikilala ng tao ay tinatawag nating Makapangyarihan sa Lahat , papangalanan Siya na “All Power” at kung minsan ay “Pure Power!” Dito na medyo malalayo sa relihiyon ang kanyang depinisyon dahil ang Power ay ginagamit din sa Siyensya o Agham. Kapag naman ang gamit na pangalan ng sinasabing Diyos ay “The Truth” napapalayo na rin sa relihiyon at napapalapit sa pilosopya.
Sa madaling sabi , ang tinatawag na Diyos ay hindi lang naman pangrelihiyon kaya kung susuriin mong mabuti ang mga paniwala ng bawat tao magkakaroon ng iba’t ibang larawan ang kanilang Diyos.
Ang tanong na meron ba o walang Diyos ay nagmumula lamang sa taong hindi naniniwala sa Diyos, dahil para sa mga taong may Diyos , hindi na nila itatanong pa kung may Diyos nga ba o wala. Meron din na nag-aalinlangan sa kakayahan o katangian ng kanyang Diyos pero ang ganitong pag-aalilangan ay hindi pa rin nangangahulugan na walang Diyos dahil ang ibig sabihin lang nito ay “Mahina ang kanyang diyos.” Kumbaga , may diyos siya kaya lang ang diyos niya hindi umaayon sa depinisyon ng Diyos ng iba.
May mga tanong nagsasabing walang Diyos pero ang taong iyon kapag tinanong mo , mayroon siyang Diyos kaya lang nawalan siya ng Diyos ng dahil sa naranasan niyang ibang –ibang pangyayari sa buhay niya. At ang taong nawalan ng Diyos o nawalan ng pananampalataya sa kanyang Diyos ay hindi katanggap-tanggap na katwiran para mapatunayan na wala talagang Diyos. Kasi nga , mayroon siyang Diyos kaya lang nawalan siya ng Diyos o ayaw na niya na siya ay may Diyos.
Ang isa pang dahilan kung bakit nawawalan ng Diyos ang dati namang may Diyos ang katotohanan ang tinatawag na Diyos ay Walang Hanggan . Sa salitang walang hanggan , ibig sabihin ,Siya na kung tawagin ay Diyos ay hindi sakop ng anumang disyunaryo ng tao , kasi nga , Siya ay Walang Hanggan at kapag siya ay nasakop ng disyyunaryo , hindi na siya ang Diyos na Walang Hanggang , kasi mayroon bang Walang Hanggan na pwedeng masakop o mailagay o maikahon sa isang bagay. At dahil hindi Siya sakop ng disyunaryo , marami ang hindi makakaunawa at hindi makakakilala sa Kanya. Dahil dito , pwedeng mawalan ng Diyos ang mga nag-aakalang alam na nila ang lahat ng bagay.
Ang isa pang pangalan ng tinatawag na Diyos ay ang Kataas-taasan. Kaya paano Siya maabot ng isip ng tao , eh, siya nga ang kataas-taasan. At kapag may taong nagsabing naabot niya ang Kataas-taasaan , sa maniwala ka o sa hindi iisipin ng taong iyon na siya na mismo ang Diyos. Ang ganito rin sitwasyon ay hindi nangangahulugan na walang Diyos bagkus nga nadagdagan pa o dumami pa ang diyos.
Pero may isang Diyos na nagsabi , “ Pamasok ka sa loob ng iyong kwarto ay kausapin mo ang Diyos at makakaasa ka na kakausapin ka rin niya ng lihim.” Nasa Lihim ang Diyos , ito ang tunay na dahilan kung bakit talagang hindi Siya basta –basta makikita , mauunawaan at makakaugnayan. Ang ganito namang katotohahan ang dahilan kung bakit marami ang nawawalan ng Diyos.
May Diyos o wala ang isang tao , kailangan pa rin na magpatuloy ang kanyang buhay.Hndi dapat na tumigil ang orasan ng kanyang buhay ng dahil lang sa kahahanap niya patunay kung may Diyos Wala.