top of page

chii18 asked:

 

Sir, paano po kaya kung ganito:

Naalimpungatan po kasi ako nung madaling Araw. Kakabasa ko ng mga infos about astral projection, sabi ko sa sarili ko, ittry ko sya gawin ngayon.

Pagpikit ko, 1 minute after, nakaramdam ako ng vibration sa heart ko. After nun, vinivisualize ko yung kamay ko na nagko-close open. Vinivisualize ko rin yung katawan ko at yung kwarto ko. Tapos, narandaman ko na parang hinihigop ako. Hindi na ako makahinga. As in parang may humigop sa likod ko and i stopped breathing for a minute or two. Tapos, nagpanic ako. Sabi ko, paano ako hihinga? Tapos nagising ako kasi nagpanic ako. Is it normal?

 

redgewafu asked:

 

   

ate un na ung start ng OBE mo, kaya lang, hindi mo ma-maintain ung meditation mo kaya sinasabi mo na hindi ka makahinga,
napangunahan ka ng takot mo, dahil naisip mo na baka kung sakaling makaalis ka sa katawan mo ay baka hindi ka na makabalik,
ung iba inaakala na bangungot ang nangyayaring ganito. at alam ko kung san mo na basa kung pano gawin itong AP.. ^_^

kung tinatanong mo ay kung normal, pwedeng oo pwedeng hindi..
normal ito para sa 1st timer na gagawin ang OBE
hindi ito normal kung palagi mo naeexperience ang ganitong hindi makahinga during Astral Projection na lagi mong ginagawa
bakit? dahil hindi mo makontrol ang sarili mo, nawawala ka sa concentration.

payo lang po, kung gawin mo ulit ito make sure na mag-pray ka muna kay GOD bago mo gawin,
dahil kung makaalis ka sa katawan mo, napakaraming DEMONS na naghahanap ng EMPTY Bodies to DWELL in..
at kung mangyari un, maaring hindi ka na makabalik sa sarili mong katawan.

 

evilmerodac says:

 

  try mo ding subukan kapag nakahiga ka yung paa mo nakatapak sa pader. tinatawag yun na ''grounding''. kasi kapag ang paa mo nakatapak sa pader habang nakahiga ma feel mo na parang nakatayo ka. malaki maiitutulong nun para sa mas madali kang makapag astral projection

 

chii18  says:

 

   

Hindi ko po alam kung nagawa ko na ba yung oobe ever in my life pero yung kaninang madaling araw, sobrang kakaiba kasi lahat po ng nangyari sakin kaninang madaling araw ay nabasa ko.

Hindi ko po talaga inaasahan yung mangyayari sakin yung vibration. Skeptical pa nga po ako sa AP nung una.
Pero, may mali ba sa ginagawa ko kaya hindi ako makahinga?
Talaga bang hindi ka na makakahinga kapag nag AP ka na?evilmerodac

 

 

 

evilmerodac

 

  

opo ganun po talaga yun! kasi po sa state of astral projection ang katawan mo ay nasa near death. yung tibok ng puso mo ay masyadong mahina. liliwanagin ko lang po magkaiba po yung OOBE sa astral projection. bagaman dikit na dikit ang pagkakapareha ng dalawang ito. sa OOBE po ay hindi aktual na humihiwalay ang kaluluwa mo. kungbaga may kakayahan kalang na kontrolin ang oanaginip mo.
nangyaring ganun kaya ka hindi makahinga kasi ay na touch mo yung heart chakra. kapag kasi na totouch ang mga chakra sa ating katawan ay nagkakaroon po ito ng kakaibang reaction.
tulad halimbawa sa mga pyschic, sa mga unang pagkakataon na ang pyschic ay matagumpay na na hahawakan ang ''3rd eye'' chakra nagkakaroon ng reaction na sila ay nahihimatay o kaya naman ay nahihilo o kaya naman ay parang bumibigat na mayroong nakapatong sa ulo nila. kaya nga kapag walang reaction na nangyari ibigsabihin noon ay hindi mo nahawakan ang chakra.
isa pang maliwanag na halimbawa ng reaction ng chakra kapag ito ay nahahawakan. halimbawa kung nag ma-masturbation ka, diba mayroon kang kakaibang nararamdaman. dahil nga sa nahawakan mo ang ''Sacral Chakra''

kapag hindi ka makahinga kapag nag AP ka inererekomenda ko na gumamit ka ng crystal tulad ng quartz crystal, mura lang yun pero wag ka sa mall bibili sa quaipo mura lang. yung quartz crystal kasi ay nakakapag purify ng chakra. kapag mag a-astral projection ka ay ilalagay mo ito banda sa gitnang dibdib kung saan nadoon ang heart chakra. dagdag pa dapat laging nililinis ang crystal kasi sensitive sya sa mga frequency ay other energy

 

 

chii18 say:

 

Kung ganun po pala, delikado pala yung astral projection?

Meron bang safe way para makapag AP?

 

evilmerodac say:

 

hindi naman! delikado lang na habang nasa astral projection ka ay atakehin ka ng mga masasamang espiritu. may nabasa ka na ba sa mga aklat ng AP na kailangan mo gumawa ng magic circle. yung ang mag pro-protekta sayo o magiging barrier para hindi ka atakehin ng masasamng espiritu. marami pang dapat na ikunsedera sa pagsasagawa ng AP.
tulad ng brething exercise tulad ng pag yoyoga. ako nga kapag nag memedetate ako, medyo nahihirapan akong huminga yun bang parang hinhabol mo yung paghinga mo. hindi ako nag brebrething exercise nun hah! ne rerelax ko lang yung isip ko. naiirita nga ako ng ganun kapag nag rerelax ako hinahabol ko ang pag hinga ko. kaya naiisip ko na kailangan talagang magpractice ng brething exercise.

 

 

 

QUESTION ABOUT ASTRAL PROJECTION

bottom of page