EVILMERODAC
BULGAR’S KARUNUNGANG LIHIM – 05-06-12-
Ipagpatuloy natin sa ngayon ang kasagutan sa e-mail ni Gol D Roger ng sun2papa@yahoo.com
Sa nakaraang isyu , nabanggit na natin na ang mga may sakit na kung tawagin ay “Bi=Polar Disorder” ay mas malaking ang tsansa na hindi lang magtagumpay sa buhay kundi , malalaking tagumpay na mahirap na mapantayan ang kanilang nakukuha .
Gaya mo , sa halip na , maging negatibo ka dahil may Bi Polar Disiorder ka , mas maganda siguro na lagi at laging babasahin mo ang sagot kong ito sa mga tanong mo.
Tingnan mo , ang taong walang sigla , walang mararating sa buhay niya. Totoo yan , iho ! Ikaw ano ba sa palagay mo ,may mararating ba ang isang taong walang sigla?
Sa Bi- Polar Disorder ang kasiglahan ay nasa sobrang mataas na antas o kalagayan , kaya kung ang siglang nasabi ay mailalagay mo sa isang proyekto o gawain mapapakinabang , hindi lang malayo ang iyong mararating kundi pwedeng –pwede ka pang yumaman ng sobrang mayaman.
Kaya , ang nangyayari sa pangkaraniwan , ang may Bi –Polat Disosrder ay basta na lang masigla , hanggang doon lang , kumbaga , ang sigla nila ay walang pinupuntahan. Pero gaya ng nasabi na natin sa nakarang isyo may mga taong sobrang yumaman dahil sa sinamantala nila ang sobrang kasiglahan na nakukuha nila sa sakit nilang Bi-Polar Disorder.
Lahat ng tao , nalulungkot at ang lungkot ay tinatawag na Depression ! Hindi lang iaami ng iba na sila rin ay inaatake ng hindi maipaliwanag na lungkot at kung susuriin nila ang kanilang naging karanasan , matutuklasan nila na ang ganitong pakiramdam ay kanilang nararanasan pagkatapos na silay nakadama rin ang sobrang kasiglahan.
Sa madaling sabi , iho, ang sigla at lungkot ay nagpapalit-palitan lang sa buhay ng isang tao ! Sigla ngayon , tapos , lungkot ang kasunod , lungkot ngayon , tapos sila ang kasunod , ganyan lang naman ang nararanasan ng may Bi-Polar Disorder kaya lang ,andun ‘yong salitang Sobrang Magsigla , tapos ay Sobrang Malungkot.
Sa mga panahon ng Sobrang Malungkot ang mga mayayaman na may Bi-Polar Disorder ay hindi lumabas ng bahay , kaya , hindi na nalalaman ng ibang tao na sila’y may ganung karamdaman . Meron ding silang iniinom na gamot , gaya mo , ‘di ba may iniinom ka , ipagpatuloy mo ang pagsunod sa iyong doktor tungkol sa iniinom mong nakakatulong saiyo.
Ang mahalaga , aware ka , kumbaga , alam mo na may karamdaman ka at dahil ang Kaalaman ay susi rin sa pagpapayaman , hindi imposible na matulad ka sa mga nasabi na nating mayayaman na may Bi-Polar Disorder.
Muli, gusto kong bigyang diin para saiyo na ang Sobrang Kasiglahan na nakukuga sa sakit na Bi-Polar Disorder ay mapapakinabang ! At ang pakinabang ay walang hanggan , kaya uulit-ulitin ko na kapag sa pagpapayaman , napunta ang iyong Sobrang Kasiglahan , ikaw ay Sobra ding yayaman.
Kaya simula ngayon , ’wag kang papayag na basta ka na lang sobrang masigla ,maghanap ka ng paglalagyan mo ng iyong Sobrang Kasiglahan. Dahil , kapag wala kang pinaglagyan nito , gaya ng kwento mo , tatawa ka ng tatawa kahit walang naman nakakatawa. At kapag inatake ka ng Sobrang Kalungkutan , iiyak ka ng iiyak ng wala namang dahilan.
Pero hindi na mangyayari saiyo ang ganun , dahil , umaasa ako na susundin mo ang mga payo ko na ang higit na makakabuti sa iyo.
Good Luck and God Bless!