top of page

Maraming pangalan ang tinatawag na Diyos ! Ang sabi siya si Yaweh na ang ibig sabihin “Siya na Makapangyarihan sa Lahat.” Tinatawag ding Siya na “Sabaoth” na ang kahulugan ay “Siya ang Diyos ng mga Hukbo.” Ang isa Niyang pangalan ay Elohim na ang kahulugan ay ,Siya na Dakilang Manlilikha.” Ang mga Pangalan ng tinatawag na Diyos , iho , ang makikita sa lahat ng mga orasyon at sa lahat ng mga lihitimong agimat o anting –anting. Kaya nga hindi naman mahirap na malaman kung ang isang agimat ,anting-anting o mga talisman ay fake o hindi. Ganundin ,iho, sa mga orasyon , kapag hindi binabanggit ang isa sa mga “ Ngalan ng Diyos” , fake yon! Kaya nga ,iho , ang bawat dasal at mga panalangin para epektib ay dapat na babanggitin din ang isa sa mga “Ngalan ng Diyos.” Ang dahilan kung bakit may mga salitang “Ama” na ang ipinahihiwatid ay tayo’y mga anak ng Niya kaya pakikinggan niya ang ating mga hihilingin,kumbaga , ang ama o father ‘ di ba sila ang “The Great Provider.” Kaya lang tayong mga Pinoy , medyo ligaw dahil marami ang nag-aakalang sila’y may mga orasyon o dasal pero ang ginagamit ay ang mga pangalan ng mga kinilalang mga banal personalidad sa relihiyong Hinduism. Na ang totoo , hindi naman mga orasyon ang ganung style dahil ang tawag sa ganun ay Mantra ,hindi orasyon. Sa Mantra , walang ibang babanggitin kundi ang pangalan ng banal ng personalidad sa nasabing paniwala , kumbaga , hindi masasabing mga pangungusap ang ganun dahil wala ng iba pang mga salitang kasama ang mga Mantra, tulad ng nasabi , Pure Divine Names lang ang inuusal-usal.Ang panalangin o orasyon ay mismong mga pangungusap , kumbaga , may kasama pang ibang salita gaya ng pagpupuri , pasasalamat at ang mahalaga , andun o sasabihin mo ang mismong request mo o gusto mong mangyari. Sa ganitong Hiwaga ng Pangalan ng tinatawag na Diyos , mali o hindi tama na ang Kanya lang na Pangalan ang iyong banggitin , kumbaga, kapag pure name lang , wala naman ang request , wala rin mangyayari sa mga hiling mo dahil obvious naman na kapag ganun , wala ka namang ipinapanalangin. Ang binanaggit mong Jireh ay Oo , isa ito sa Pangalan ng iyong Diyos. Katoliko man o protestante , kinikila ng lahat ng kristiyano ang Jireh na isa sa Pangalan ng Diyos nila. Kaya nga , ang isa batayan kung ang kinaaniban ng isang tao ay tunay bang kristiyano ay ang kapag hindi alam ng pastor o ministro na ang Jireh ay isa ring pangalan ng Diyos , ibig sabihin , ang grupo nila ay hindi katoliko at hindi rin protestante kaya masasabi agad na Fake ang kanilang relihiyon. Oh , ‘yan , marami na akong itinuturo saiyo ngayon kahit na ang ating kolum na ito ay hindi naman talaga pangrelihiyon.Pero bago ko makalimutan dahil nagiging masarap ang ating kwentuhan , gusto kong bigyang diin saiyo na , kapag ginamit mo ang Pangalan ng Diyos na Jireh ,magrequest ka ng saganun ay malaki ang tsana na makuha ang magandang kapalaran o mga suwerte na gusto mong mapasaiyo. Ang pangalan ng Diyos na Jireh ay nangangahulugan na “Siya na pinagmumulan ng lahat ng suwerte na para sa mga tao.” Muli , mali o hindi tama na o hindi matutupad ang gusto mo kapag puro na lang Jireh ang banggitin mo dahil , Jireh , Jireh ka ng Jireh , eh ,ala ka namang sinabi kung ano ang suwerteng gusto mong mapasaiyo ,wala ring mangyayari saiyo.

Maraming pangalan ang tinatawag na Diyos

bottom of page