top of page

Ang Karunungang Itim , iha ,ay ang kabaliktaran ng Karunungan Puti. Ang kulay na Puti ,iha , ay ang kulay ng wagas at dalisay na bagay. Puti ang tawag dahil walang kahit konting bahid ng dumi o iba pang kulay ,kasi nga ito ay “wagas.”
Ang Karunungang Itim naman , iha ay yon nga itim ang kulay , kaya itim dahil sobrang madilim at sa sobrang madilim wala ng nakikita pang iba pang kulay , kundi Itim.
Ang anumang karunungan na hindi wagas o dalisay ,hindi ibibilang sa Karunungang Puti at ang anumang karunungan na may iba pang kulay kahit sa biglang tingin ito ay Itim ay hindi rin ibibilang sa tunay na Karunungang Itim.
Ang hinahanap mong Karunungang Itim , hindi mo makikita , dahil , ang karunungang ito ay para lang sa may sobrang maiitim na budhi o sorbang maitim ang pagkatao . Kaya nga hindi ka naman pwede sa ganito. Dahil hindi ka naman sobrang masama o ang puso mo ay hindi naman kakikitaan ng sobrang galit o poot.
Para maunawaan mo ,ganito ang pwersang naglalabanan kapag ang tao ay galit o may poot.Kapag siya ay galit pero hindi naman sobra ang galit niya , may kahit konting pag-ibig sa kanyang puso , ibig sabihin din ,kahit konti o may natitira pa sa kanya na kabutihan o magandang katangian.
Alam mo, iha , ang kahit konting pag-ibig ay sapat para talunin niya ang mga negatibong pwersa na nasa kanya. Ganundin ang kahit konting kabutihan at magandang katangian ay mga mumunting buto o binhi na lalaki at sa huli ay gagapi sa galit o sa masamang nasa.
Ang isa pang larawan ng “kahit konting pag-ibig” ay ang isang munting ilaw na nasa loob ng katawan ng tao na namamalaging nasa kanya kaya siya kahit kailan ay hindi lubusang tatalunin ng Kadiliman.
Sa palagay ko nauunawaan muna kung bakit hindi pwede saiyo ang Karunungan Itim. Sinasabi ko saiyo ito , hindi para sirain ang loob mo. Hindi rin sa dahil pinagdadamutan kitat , gusto man kitang pagbigyan hindi rin pa rin pwede dahil sa isang pagsasayang lang ng mga oras ang gagawin mo kapag ipilit mo na magamit mo ang Karunungang Itim.
Ang mga nasa Sagittarius na tulad mo ay nahihiwalay sa kanilang mga asawa sa dahilang sila o ikaw ay sobrang makautos na nadadama ng asawa na siya ay ina-under na. Kapag nahadlangan mo ang ganitong gawi na hindi gusto ng mga lalaki, siya o ang iyong asawa ay mamalagi sa piling mo.
Ang isa pang lantad na weakness ng nasa Sagittarius ay ang sila ay napagkakamalang very cold sa larangan ng pakikipagrelasyon. Kumbaga , kulang sila sa lambing at karinyo , kaya kung maging malambing ka at karinyosa ,hindi na siya naghahanap pa ng iba.
Kung ka rin ang mga nasa Sagittarius na pagbigkas ng pinakamasarap na madinig mula sa labi ng nagmamahalan at ito ay ang salitang “I Love You” o ang mga pangalan o palayaw o simpleng pamalit ng pangalan na Love ang kahulugan.
Kaya mo bang gawin ang huling sinabi ko? Hindi ,’di ba? Kasi nga ang mga nasa Sagittarius ,walang hulig sa ganyan pero pwede rin naman kapag iyong nakasanayan , kaya sanayin muna ang sarili mo sa ganyang mga gawin o kilos ng pag-ibig ng sa ganun ay maging panghabang –buhay ang iyong marriage life.

Karunungang Itim

bottom of page