top of page

   Siguro nag-aalala ka ngayon na baka may iba na ngang babae ang asawa mo dahil sa mga napanaginipan mo. Pero ang ganitong mga panaginip ay hindi naman agad-agad na nangangahulugan na ganun na nga na siya ay may ibang babae. Alam mo, sa buhay ng mga babae , dumarating ang sandali na sila ay talagang nagseseselos at nag-iisip na may ibang babae ang kanilang mga mister.Pero hindi sapat na napanaginipan ang ,eh, totoo na agad na siya nga ay nagloloko. Narito ang ilang kondisyon na kapag nasa lalaki ay malaki ang posibilidad na siya ay may ibang babae napupusuan;Biglang naging palaayos ang mister at siya ay nagtatagal sa harap ng salamin. Nadadagdagan ang kanyang mga gastusin. Hindi agad nakakatulog at tulad din ng babae na may gusto sa isang lalaki, sumasaya ang mga kilos niya at hindi niya maiwasang napapakanta kahit na siya ay nag-iisa.Eto naman ang mabilis na paraan upang malaman mo kung tama ang iyong hinala; Gawin mo rin na biglang maging palaayos ka. Magtagal ka sa harap ng salamim pero kailangan na nakikita niya na matagal kang nagsasalamin. Magbibili ka ng mga bagong damit at bumili ka rin ng mga bagay na nagpapaganda sa isang babae , tapos , kumilos ka rin ng masaya at kumanta ka rin ng kumanta ng mga love songs kahit pa suntunado ka!Tingnan , ang resulta , sasabihin niya saiyo , “Mukha yatang inlove ka !” as in may bago kang mahal at hindi siya. Pagsinabi niya yon saiyo , mabilis kang sasagot , ‘Ah nahuli na kita , meron kang iba ,.noh ? Aminin muna!” ‘Dali lang ,’di ba na mabisto ang isang mister na may ibang babae?Ang mga panaginip na may ibang babae ang asawa ay kadalasan nag-uugat sa mismong life style ng asawang babae , kumbaga , kahit sa totoo lang ay hindi naman nangangaliwa si mister , pwedeng pwedeng siya ay managinip ng napanaginipan mo.Ito ay kapag si asawang babae ay naiba na ang buhay , kapag dati siya ay sexy now ay hindi na . Kapag dati ay masaya siyang kausap now ay hindi na , kapag siya ay sweet noon pero ngayon ay hindi na . Ang mga ganitong pagbabago sa buhay niya ay magbubunga ng mga panaginip na ang kanyang asawang lalaki ay may iba na.Pero ang totoo ,si misis ang iba na now , kumbaga , dahil nag-iba na ang kanyang mga kilos , siya rin ang ibang babae sa panaginip na nagloloko si mister. Kaya nga kapag ibinalik ng asawa babae ang kanyang sweetness , tiyak , hindi na siya mananaginip ng tulad ng napanaginipan mo. At totoo nga , kahit naman kung sakaling may ibang babae si mister , bali wala na rin ‘yon dahil kapag ibinalik ng asawang babae ang mga katangian na nagustuhan sa kanya ng kanyang asawa, tiyak na hindi na siya maghahanap pa ng iba. ‘Di ba ang dali –dali lang din na solusyunan ang pagkakaoron ng ibang babae ng mga mister? ‘’Di ba , hindi ka naman mahihirapan na ibalik ang dating Ikaw na kung kailan ay mahal na mahal ka ng aswa mo? Gawin mo at tiyak na mabubuhay ka ng maligaya at masaya!Hanggang sa muli,Professor Seigusmundo del Mundo.

Magtagal ka sa harap ng salamim

bottom of page