top of page

May kagalingan ang bawat karamdaman

Nuong panahon ng ancient time, puwede din nating sabihing nuong panahon ng mga katutubo at mga tribo-tribo pa ang kinikilalang sibilisasyon, inaakala ng mga tao nuon na ang sakit o karamdaman ay isang napakahiwagang bagay.Madalas nga na ibinibintang nila ito sa “evil spirit, elemental beings” at kung minsan, inaakala din nilang “kapag gumawa ng pagkakasala ang isang tao, parusa ng Tadhana ang sakit na kanyang iniinda.”Subalit ng ma-ibento ang microscope, taong 1670 ni Antonie Van Leeuwenhoek, duon na nagsimulang ma-obserbahan ng tao ang mga maliit na mikrobyong nagiging sanhi ng mga pangunahing karamdamang pangkaniwang nagiging sanhi ng epidemiya na lumilipol sa maraming populasyon.Kasabay nito taong 1928 na-tuklasan ng Scottish Biologist na si Alexander Fleming ang gamot na penicillin na may kakayahang pumuksa ng sari-sari at ibat-ibang uri ng mikrobyo at bacteria. Dito rin nagsimulang ma-diskubre ang sari-saring kumibinasyon ng antibiotic na kapag ininom ng nasa tamang dami at takdang panahon, siguradong mapapatay nito ang mikrobyo na nagiging sanhi ng karamdaman.Kaya nga ng mga panahong iyon, bihirang-bihira na ang namamatay sa sakit na dulot ng bacteria o mikrobyo basta’t naagapan ka agad ng gamot na kung tawagin nga natin sa ngayon ay antibiotic.Kaya lang nang umunlad nga ang medesina, na halos kaya nya nang gamutin ang lahat ng uri ng sakit na sanhi ng mikrobyo at bacteria, sa panahon ngayon naglabasan naman ang ibat-ibang uri ng karamdaman na kung tawagin ay “autoimmune disease” kung saan, iyong immune system na siya sanang magdedepensa sa sakit ng katawan ay hindi nagpa-function na mabuti, bagkus siya pa ang umaaway at naninira sa kanyang kakampi. Tulad din ng sakit na cancer, iyong “friendly cells” ay naging “enemy cells” kaya mabilis na kumalat ang cancer.Hanggang ngayon moderno na ang panahon ay hindi parin masagot ng mga scientist kung paanong nangyayaring, “hindi ma-distinguished ng katawan kung sino ang kaibigan cells at kaaway na cells o kaya’y hindi ma-distinguished ng immune system na ang sarili nya na pala ang kanyang sinisira.”Kaya nga ang ganitong mga uri ng sakit, hindi mikrobyo ang dahilan kundi “abnormal na function ng immune system at abnormal na function ng cells” ay sinasabing halos walang kagamutan o hindi pa lubusang natutuklasan kung paano gagamutin. Katulad din ng diabetes, kung saan, nagtataka ang mga doctor kung bakit iyong “sugar” na mula sa carbohydrate ay ayaw matunaw, dahil sa ayaw maglabas ng insulin ang pancreas.Samantala Mrs. Aquarius kung ang iyong karamdaman ay hindi kayang pagalingin ng mga dalubsahang doctor, malamang na ang iyong sakit ay may kaugnayan sa “immune system” na kailangang mautusan mo ang iyong “immunse system” na mag-function ng maayos at tama.“Tama ang anak mo, sa ibang bansa ka magpagamot dahil duon ka nga lubusang gagaling” ang nais sabihin ng lumawak na Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) na nagkatroon pa ng sanga na tinatawag ding Travel Line (Drawing A. at B,. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, madali ka ng gagaling at magiging malusog ang iyong katawan, sa paglipat nga o pagtira sa ibang lugar na kung tawagin sa medical term ay “milieu therapy.”

bottom of page