EVILMERODAC
Kankemvir:
Spill nyo po ang lahat ng mga nalalaman ninyo ukol dito.
EVILMERODAC SAY:
tungkol ba sa dejavu? dejavu din po yung kapag halimbawa nasa lugar ka na kabisado mo yung lugar tulad ng nangapit bahay kalang sa kalapit kanto nyo sa inyo.
tapos paglabas mo ay parang nawawala ka na, yun bang parang nasa lugar ka na hindi mo kabisado. at pagkatapos ay hindi mo na alam kung paano umuwi sa inyo.
masama po ang ibigsabihin nun! mawawala ka sa sarili mo at posibleng ikaw mismo ay mawala dahil kukunin ka ng mga engkato o being from other dimension.
Kankemvir:
ang alam ko po sa dejavu, eh kapag naulit yung isang partikular na pangyayari sa eksaktong oras, pahanon, at lugar?? parang repeated time?
evilmerodac:
in general na paliwanag ganun nga po, ang Dejavu po kasi ang paliwanag ayon sa Metaphysical councilor na napagtanungan ko. sabi nya kapag may napuntahan ka halimbawa sa isang lugar tapos pakiramdam mo na napuntahan mo na ang lugar na yun at hindi lang yun kabisado mo talaga ang lugar na yun.
yung tungkol naman sa paliwanag ko negative Dejavu po yun. alam mo naman na dito kasi sa mundo natin everything in the universe has compose negative and positive.
isang halimbawa pa! tungkol sa pyschology may tinatawag silang hallucination ''
an experience involving the apparent perception of something not present.'' syempre binibilang nilang isang sakit yun.
pero ang totoo kabilang yan sa mga potensyal power na mayroon ang indibidwal. di ko lang sure kung clairvoyant yan na naka switch sa negative.
Realityshifter:
Salita pong Pranses ang "deja vu" na ang ibig sabihin literally ay "already seen." Alalaong baga "parang nakita mo na." Ito ay naeexperience natin kung minsan na napupunta tayo sa isang lugar for the first time pero parang sa pakiramdam mo ay nakita mo na — kung kailan ay hindi mo mawari.
Ang experience na ito ay isang popular na "prueba" ng reincarnation. It is said na kung ikaw ay mapadako sa isang lugar na kung saan ay nakatira ka sa isa sa mga nakaraan mong incarnation dito sa mundo, mahahalukay ang memorya mo at mararamdaman mo na parang nakapunta o dati ka nang nakarating sa lugar na yun.
Halimbawa ng deja vu ay ang isang naging karanasan ni General Patton ang popular na American commander ng Third Army noong World War II. Minsan napadako si Gen. Patton sa isang bayan sa Italy at nasabi niya sa kaniyang mga kasamahang sundalo na parang pamilyar siya sa lugar gayong kauna-unahan niyang marating ang lugar na iyon. Nkapagbigay siya ng mga particular na descriptions in advance, halimbawa, isang tulay na sinabi niyang mararaanan niya sa di kalayuan at yun nga, nandun nga ang tulay!
Sinasabing nagkaroon ng deja vu si General Patton sapagkat noong unang panahon pala, isa siya sa mga naging heneral ng Roman Army ar pinamunuan niya ang isang Roman Legion at pamilyar na pamilyar nga siya sa Italian countryside na muli niyang na-encounter nang madestino siya bilang isa sa mga commanding generals ng US Army na sumalakay sa Italya.