EVILMERODAC
Bakit may mga pagkakataong ang nakikita natin at nararanasan sa panaginip ay
nagkakatotoo?
Sa aking pananaliksik sa misteryo ng kaisipan ng tao at kababalaghan sa ating
buhay, ang ganitong uri ng panaginip ay kilala sa terminong precognitive dream o ang
panaginip na nagbibigay ng mensahe sa mangyayari pa lamang sa buhay ng tao.
Marami na sa atin ang nakaranas ng ganitong uri ng panaginip, ngunit karamihan
sa atin ay binabalewala ang mga detalye nito kahit na malinaw na ito ay nakita, bagaman
ang iba naman ay nakakalimutan na pagkagising.
Sa aking pananaliksik at mga naging karanasan, ang panaginip ay nagiging
instrumento na ng ating mga kapanalig sa kabilang buhay na makapaghayag ng kanilang
mensahe. Habang tayo ay tulog at namamahinga ang buo nating katawan, siya namang
nagiging mas aktibo ang ating diwa o kamalayan.
Dapat nating tandaan na ang ating kaisipan ay nahahati sa tatlong antas. Ang mga
ito ay tinatawag na conscious mind o ang kamalayan habang gising; subconscious mind o
ang kamalayan habang tayo ay tulog; at ang superconscious mind o ang antas ng
kamalayan na merong kakayahang makita o malaman ang anumang mangyayari o
nangyari sa buhay, gising man o tulog ang isang tao.
Ang panaginip ay karaniwang nagiging pintuan ng mga espiritu o nilikhang hindi
pisikal para makipag-ugnayan sa atin at ihayag ang kanilang nais na mensahe.
Hindi po ba may mga pagkakataon na napanaginipan natin ang mga yumao nating
mahal sa buhay at sa panaginip na yun ay malinaw ang anumang kaganapan at
natatandaan hanggang pagkagising sa umaga.
Ngunit hindi ganun kadali na mabigyan agad ng tumpak na kahulugan ang ating
mga nakikita sa panaginip, dahil ang panaginip ay nahahati naman sa dalawang uri.
Ang mga ito ay ang literal at symbolic o simboliko. Ang literal na panaginip ay ang
sitwasyon sa panaginip na madali nating maintindihan dahil sa kung ano ang nakita natin
ay yun na ang ibig sabihin. Ang simboliko namang panaginip ay may kahirapan malaman
ang kahulugan dahil sa ang mensahe dito ay ginagamitan ng mga simbolo. Dito
karaniwang ginagamitan ng marami sa ating mga kababayan ng mga aklat tungkol sa
diksyunaryo ng mga panaginip.
Ngunit para sa akin, hindi isandaang porsiyentong tumpak ang mga simbolong
nakasaad sa mga aklat tungkol sa panaginip. Maraming mga eksperto ang nagsabi na mas
mainam na isalin ang bawat detalye ng panaginip sa pamamagitan ng pagtanong sa
naramdaman, at nakita ng mismong nanaginip.
Teorya Ukol sa Panaginip
May mahalagang puntos and TS kahit hindi naman lahat ng panaginip ay nagkakatotoo.
Ang lenguwahe natin ay mga salita subalit ang komunikasyon ng panaginip ay mga larawan, impresyon at iba pang paraan. Dahil sa kaibahang ito, madalas ay kailangan pa nating isalin sa salita ang panaginip kung ito man ay may naiwang impresyon sa ating mulat na isipan. At sa pagsasaling nabanggit ay maraming puwang ng maling interpretasyon.
Sa mga karanasan kong personal, napagtanto ko na may naiibang diwa na lumalakip sa ating pisikal na kamulatan. Halimbawa, nuong maaksidente ako ay nakita ko ang pangyayari na waring 'slow motion' at tipong ang diwa ko ay hiwalay sa karaniwang diwa o isip.
Dahil dito, tila naimpluwensiyahan ko ang katawan ko na makaiwas sa mas malalang sitwasyon. Matagal ko itong naiisip at malimit naiikumpara ko ito sa isang atleta tulad ni Bruce Lee o Michael Jordan. Tila mas nauuna pa ang reaksiyon nila (kahit sa pagdepensa) kaysa sa mga ibang kalaro.
Dito ko nabuo ang teorya na ang 'mental body' ay may kakayahang mag-time travel o kung hindi man ay maimpluwensyahan ng konti ang panahon.
Sa panaginip naman, madalas kong maranasan lalo na nung bata ako na ang diwa ko ay hiwalay sa katawan at nakapupunta sa ibang lugar at panahon. At pansinin ninyo, halimbawa sa panaginip ay lumilipad kayo. Sa akmang gigisingin kayo ng alarm o ibang kasamahan, ang tagpo ng paniginip ninyo ay may sapat na pasakalye para maipasok sa eksena ang nasabing alarm/paggising.
Nangangahulugan ito na and 'astral body' ay nakapagtime travel upang danasin ang ibang lugar/panahon at makabalik ng tugma sa dinaranas na panahon ng pisikal na katawan.
Ano ngayon ang isang kaibahan ng 'mental body' at 'astral body'? Ang una ay laging nakaagapay sa pisikal at kung magtime travel man ay limitado. Ang 'astral body' ay tila mas malayang maranasan ang ibang 'realms' at panahon. Kapag atleta ka, kailangan sanay ang katawan mo sa iba-ibang galaw. Hindi mo na iniisip mula sa utak tungo sa bahagi ng katawan mo at balik sa utak. Ang mental body mo ay parang nag-aactivate na lang ng muscle memories na tila nanonood lang sa isang 'computer game' habang nag-time manipulation para sa 'choreography'.
Maihahalintulad natin ito sa isang 'computer' - ang 'html' o 'application software' at operating system ay magkakaiba. May sarili silang 'syntax' pero may maganda silang 'interface' kaya akala mo ay isang 'process' lang ang 'involved'. Pero kung ikaw ay magpo-program ay kailangan mong ilagay ang ibat-ibang language sa kani-kanilang 'programming interface'.
Suma-total (sa 3 pa lang na bodies: 'physical', 'mental' at 'astral'), 'multi-dimensional' ang tao at pwede nating i-program ang ating realidad sa ibat-ibang paraan!