EVILMERODAC
siox29
kakatakot talaga 1st time ko naranasan ito, nanaginip ako sa panaginip ko naglalakad sa kalye ng gabi at malubha daw karamdaman ko habang naglalakad at nag susuka pa tsaka pagkatapos nun nagising daw ako mula saking panaginip at sinubukan kong tumayo pero hindi ako maka tayo at sinubukan ko ding igalaw mga kamay at paa ko, gumalaw naman pero mabigat nasa harap ko si ermats pero tinitignan nya lng ako hanggang sa naka tayo na ako..nag talo pa kami ni nanay kung bakit tinignan nya lng ako, akala ko yun na yun eh, pero panaginip lang din pala.. nagising lang ako sa totoong buhay dahil biglang nalunok ko laway ko sabay gising..
ano po ba ibig sabihin nito?..
EVILMERODAC SAY:
EVIMERODAC SAY:
masasalamin sa panaginip mo na nag pra-practice ka ng dream control o oobe and astral projection.
alam mo yung panaginip na ''tumayo pero hindi ako maka tayo at sinubukan ko ding igalaw mga kamay at paa ko, gumalaw naman pero mabigat ''
sa sarili ko lang pananaw ito ha! nag prapractice ka ng mga ritual. bakit kasi po kapag nagsasagawa ka ng mga ritual magic o oracion nag rerelease ang katawan mo ng energy ang resulata nga nyan ay nabibigatan ka hirap kang makagalaw kasi nga nauusbusan ka ng pyschic energy.
alam mo noong bata ako nag pra-practice ako ng mga ritual magic madalas akong managinip na tumatakbo ako pero hirap ang katawan ko na igalaw kagaya ng sa panaginip mo mo na ''sinubukan ko ding igalaw mga kamay at paa ko, gumalaw naman pero mabigat ''
kapag ganyan ang panaginip mo pinaniniwalaa ko na may mali kang isinasagawa sa mga ritual mo. nasasaiyo nayun kung paniniwalaan mo.
REPLY BY siox29:
wala naman po akong ginawang ritual, at kung sa tingin ko
ay dahil dun sa pag-aaral ko sa karunungan, tulad ng sinabi ko
sa ibang post nung nakaraan ay pinasintabi ko muna sa ngayon
dahil sa may mga dapat pa akong gawin bago ko pag aralan yun..
hindi pa ako nakapag linis sa sarili dahil meron
akong dapat e settle sa mga ginawa ko saking sarili,
at gusto ko maka siguro na sa pag dating ng araw
nayun ay maluwag kong tanggapin ang
ipinagkaloob ng ama..
pero kung ganun po ang nangyari sakin ka evilmerodac,
ano po ba ang dapat kong gawin?
REPLY BY: EVILMERODAC
ang sabi ko po ritual o oracion or anything you repeated over and over again. like yung mga pangarap mo at mga hangarin sa buhay. paulit ulit lang yan na pumapasok sa isip natin. verbaly man o tru imagination.
magkagayun man in general na paliwanag. kapag tayo ay lito, nagdadalawang isip. hindi alam ang gagawin dahil wala tayong maiisip na idea. ang kilos natin ay bumabagal at hirap tayong makakilos gaya ng napapanaginipan mo na hirap kangang kumilos.
at kapag ganun ang sitwasyon ang katawan natin ay mag rerelease ng energy pero hindi mo nagagamit ang 100% iffeceincy nito. kaya ang kabiguan ay hindi malayong mangyari.
kapag naman mayroon malapit sa buhay natin ang kinokontra tayo palihim man o tahasan lalo na ang magulang natin. nahihirapan tayong makakilos dahil lagi lang yan nandyan nakamasid sayo. kaya sa panaginip mo nahihirapan kang kumilos.
at importate sa lahat kapag lagi kang nanaginip ng senaryo na nahihirapan kang kumilos o hindi mo nakokontrol ng maayos ang katawan mo. dapat at talagang pagtuunan mo ito ng pansin. kung isang beses lang puwede mo nang ibilang yan na walang kabuluhang panaginip. pero ang ganyang klaseng panaginip ay babala yan.
sinabi ko na may mali ka sa ginagawa mong ritual kasi malaman sa hindi ganun na nga yun! kasi dito mo naitanong yan.
at hindi mo rin puwedeng sabihin na hindi ka nagsasagawa ng ritual bakit kasi po alam mo yung pag post dito ng iyong saloobin sa western tradisyon ang tawag namin dyan ay ''banishing spell''
nag cacast ka ng spell upang maiparating sa langit ang iyong kahilingan at mga natatagong wish na kahit ikaw ay hindi mo rin alam. kaya nga sinasabi sa bibliya huhusgahan ng Diyos ang bawat salita na sinalita mo. maging yun man ay lihim o lantad.
REPLY BY SIOX29
evilmerodac said:
kapag naman mayroon malapit sa buhay natin ang kinokontra tayo palihim man o tahasan lalo na ang magulang natin. nahihirapan tayong makakilos dahil lagi lang yan nandyan nakamasid sayo. kaya sa panaginip mo nahihirapan kang kumilos.
yan po ang nangyari sakin ngayon, actually ito ang dahilan kung bakit ko pinasintabi muna ang pag aaral sa karunungan.. may hidwaan kaming mag pinsan nasa iisang compound lang kami at palagi syang naka masid sakin 24hrs binabantayan nya kilos ko.. hindi ko nalang sasabihin ang dahilan, at hanggang umabot sa punto na magka galit na.. dati rati palagi kaming magkasama at nung tumiwalag ako sa grupo at sinubukan ko mag bagong buhay, eh palagi na syang ganyan.. hindi ko rin sya masisi dahil parang iniwan ko sya sa ere mag isa althou may mga kasama naman sya.. pero ako gusto ko talagang mag bago na at tanggapin ang mga salita ng diyos..
TUNGHAYAN PO SA - ANTING-ANTING.COM