top of page

Tsamba Ba o Nagkataon lang? - REMOTE VIEWING

Summer vacation noon at bale walong taon ako ng panahong iyon, Habang naghihintay kami ng Kuya ko sa pagdating ni Nanay na nagtitinda ng mga mumurahing alahas ay para kaming nagkakatuwaan ni Kuya sa pagkukuwentuhan kahit gutom na dahil lampas alas otso na ng gabi noon.

Hinihintay namin si Nanay at hindi pa rin kami kumakain ng hapunan ng gabing iyon.

Nakagawian na namin kasi na maghintay sa kanya na inaasahan naming mag-uuwi ng lutong pagkain na palagi niyang ginagawa lalo pa at kailangan niyang magtrabaho para mabuhay at makapag-aral kaming magkapatid dahil nagkahiwalay na sila ng aming Tatay.

Hindi ko alam pero para kong nakikita si Nanay kung nasaan na siya at kung ano ang ginagawa niya.

Una, nasabi ko Kuya na nasa kabilang kanto na si Nanay at pauwi na.

Pagkatapos naman ay nabanggit ko ke Kuya na huminto si Nanay sa bahay nila Aling Norma at nangutang muna ng hotdog at tusino.

Si Aling Norma ay nagtitinda ng mga processed foods tulad ng Tusino, Longganisa, hotdog, embutido at iba pa.

Nagpapautang lang siya sa mga talagang kilala na.

Tawa ng tawa si Kuya sa pinagsasabi ko kasi kung anu-ano raw ang naiisip ko.

Biro pa niya ay gutom daw lang yung mga sinasabi ko.

Dinagdagan ko pa na huminto pa si Nanay at bumili ng mantika para makaluto na siya pagdating niya.

Mga ilang minuto pa ay sbi ko ke Kuya na buksan na namin ang pinto at nariyan na si Nanay.

Pagbukas namin ng pinto ay nakita namin si Nanay na akmang kakatok na nga sa pinto at nabigla siya kung papaano namin nalaman na parating na siya.

Agad niluto ni Nanay ang Tusino at kasabay ng pagsasaing niya.

Habang kumakain kami ay nagtanong ako kay Nanay kung dumaan siya at nangutang kina Aling Norma ng niluto niyang ulam.

Parang nahihiya pang sumagot si Nanay na dumaan nga siya kina Aling Norma.

Kasunod doon ay nasabi ko rin na tapos ay bumili siya ng mantika sa tindahan ni Aling Ano na noong panahong iyon ay nasabi ko ang me ari ng tindahan kahit napakaraming tindahan sa kalye namin ay napinpoint ko ang tindahang binilhan niya.

Napakunot-noo si Inay kasi paano ko raw nalaman kung saan niya binili ang ulam at ang mantikang ginamit niya.

Kahit ako ay nabigla pa ako kasi hindi ko rin maipaliwanag kung paano ko nalaman iyon.

Tsamba kaya o nagkataon lang ang mga iyon

Comment by Bro. Arch on February 1, 2013 at 11:31pm
    share lang po kayo.. ↖(^▽^)↗

Comment by virgilio s. alvarez on February 1, 2013 at 9:27pm

    Me gusto pa sana akong ishare na experience ko noong grade 2 ako sa boses na naririnig ko na nagligtas sa akin noon. Now i am 52 years old na.

Comment by virgilio s. alvarez on February 1, 2013 at 9:22pm

    Nung last 1996  pagtingin ko sa bilas ko ay parang walang ulo habang nagmimiryenda. kinabukasan  na magflight ako sa abroad namatay ang bilas ko na nabanggit. Nung bago mamatay ang mother ko almost 12 years ago, nakikita ko sa isip ko na nasa kabaong na siya. Tuloy minsan sinasagian ako ng takot.

Comment by Bro. Arch on February 1, 2013 at 8:49pm
    Good evening.. ang masasabi ko ay may ability kang mag remote viewing hindi yn tsamba.. hanggang ngayon ba may kakayahan ka pa ba magRV.?

Comment by ++MisteReY 2013 on January 31, 2013 at 11:11pm

    Ka Virgilio hindi tsamba o nagkataon lang. May kakayanan talaga ang tao na malaman kung ano ang nangyayari kahit na wala siya sa lugar o panahon na gusto niyang tignan. Sa case mo, at your age, I presume na malakas ang psychic ability mo especially sa remote viewing. RV can be done by projecting your consciousness to other people's mind to see around the real situation. Yun ang alam kong paliwanag sa case na yan. Mostly kids are very psychic and normally we can use the ability with our psychic connections to our relatives. Malakas ang psychic connection ng magkakapamilya, at magkakapuso. Thanks for sharing. Namaste.

of the

© 2023 by Legend Of The Tower.

  • w-facebook
  • w-tbird
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page