top of page

On the end of the tunnel is light

Kahapon ay napag usapan namin nina sir rey ang tungkol sa espiritu na nagpaparamdam sa akin sa office at ang sabi sakin ni sir rey ay kumprontahin ko raw ito para manahimik through meditation upang ako ay maliwanagan at matapos na ang pagpaparamdam nya at maliwanagan na ako. Hindi ko inaasahan na gagawin ko ito at hindi ko rin inaasahan ang naging resulta nito.

12 ng tanghali at last 15 mins break ko. Dahil sa sobrang pagod ay napag decidan ko na lang na umidlip. Dahil nasa tapat ako ng PC, nag decide ako na makinig ng music ng aking Martin Nievera na lagi kong pinapakinggan kapag umiidlip ako. Oo nagiging malalim ang tulog ko sa tulong nito a kadalasan eh nagigising na lang ako kapag 14mins na ang nakaka lipas. Pero ngayon medyo iba ang timpla ko, di agad ako naka tulog kahit chorus na ang kanta, habang naka pikit ako at nakikinig sa kanta nya, biglang sumagi sa isip ko ang pag kausap sa espiritu na pilit na nagpaparamdam sa akin sa office, so nag decide ako na makipag communicate sa kanya, at unti unti nag meditate ako sa pamamagitan ng pag tingin sa may noo ko, (yung itim ng mata, patitinginin mo sa taas, effective sya sa meditation eh...)

Unang sagupa: Naramdaman ko na nasa trance state na ako, at nag re release na ako ng energy sa katawan, lagi itong nang yayari kapag nag memeditate ako, parang cleansing part, nag pa-partial numb yung tuhod ko hanggang kalahati ng binti at ilang parte ng braso at katawan ko, nagiging grounded din ang pakiramdam ko ng pabugso bugso, tanda ng nag re release ako ng bad energy sa katawan for cleansing. Nang matapos ito, ay nakita ko na napaka dilim ng paligid, tanda ko, na lahat ng ilaw ay bukas sa office kaya di pwede na ganun ang klase ng kadiliman, sobrang dilim, ng medyo mag liwanag, napansin ko na may mga bato bato na naka palibot, at nang maliwanagan ako, nakita ko na may isang lalake na nasa loob ng isang Pit o bangin, masikip ito at isang tao lang ang kasya. Ang lalake naman ay malinis, kahit madilim ito ay maliwanag at pansin ko na parang wala syang damit, hindi rin sya madumi kahit puro lupa ang paligid nya. Hindi siya kumikilos o parang nahihimlay lang siya sa loob ng bangin, habang papalapit ako sa kanya, ay unti unti syang gumagalaw, at ng makalapit ako ng husto, napansin ko na isa na lang ang field of vision namin, so parang naging isa kami. Tumingala kami, nakita namin na may liwanag sa taas at andun din ang dulo. So nagpasya ako na umakyat. Umakyat kami, medyo may struggle kasi nga isang tao lang ang kasya at malupa pa ang loob. Luckily, nakarating kami sa dulo, kakaiba ang liwanag nito, grabe sa liwanag.

Ikalawang sagupa: Nakarating kami sa dulo! Pag angat namin mula sa butas, isang napak overwhelming na pakiramdam at scenaryo ang sumalubong sa amin. Ang lugar ay kulay bughaw, at puti ang paligid. Naghalo ang asul at ang puti at nakita ko na ang puti ang syang lupa, naghahalo ang mga kulay nito at ang mga puti ay parang ulap at ito ay naghuhugis ng mga lupain. Napaka simple pero ang elegante ng dating. Napaka vivid ng details sa sakin at ang pakiramdam ay something na sobrang nakaka overwhelm. Naramdaman ko na medyo napigil yung paghinga ko at iisa ang reaksyon ng lalaki at ng katawan ko, Sa sobrang pagka overwhelm since di pa kami nakaka ahon fully, nawala yung pagkaka hawak ko sa dulo ng butas at duon ay nalalag ulit kami. Nagulat ako sa nangyari at humiwalay ako sa lalake.

Ikatlong sagupa: Nagising ako, dahil sa nangyari, at di ko inaasahan ang ganun, naririnig ko na ulit si martin, at naging aware ulit ako sa paligid. Nagtaka ako sa nakita ko. Ang gusto ko lang ay maka usap yung espiritu na nagpaparamdam sa akin. So sumabak ulit ako, nag meditate ulit ako at pinatugtog ang kanta ni Martin. Naging successful naman ako, nakita ko ulit ang lalake, buti na lang at di sya nalaglag ng malalim. Muli ako ay umakyat, at naka tuntong sa lugar na ulap. Pagka tuntong ko, bigla naman, may humablot sa amin na anino. Napaka bilis nito at dahil dun, nag past out uli ako. Nagising ulit ako. Tumutugtog ang kanta ni Martin sa background. Muli akong pumikit, at nag concentrate, sa di ko malamang dahilan, siguro dahil sa antok, o dahil may gusto akong makita. Nang maging concious ako, nagising ako sa katawan ng lalake, at may nakita ako na nakasapo sakin. Isang lalake, malaki ito at malaki rin ang katawan. Nakita ko na karga nya ako, at masaya ito. Napansin ko na maputi sya, ang buhok ay mahaba, at glowing ito na parang gold. Nang ibaba nya ako, Nakangiti syang naka tingin sa akin at duon ay parang nagpakilala siya, dahil ang tanong ko sa sarili ko ay sino ka? Naisip ko si archangel Michael at lumayo sya ng kaunti at duon ay may lumabas na puting liwanag sa likod nito. Unti unti ang liwanag ay nagka korte na pakpak, mahaba at malapad ito. Tapos ay tinago nya ulit ito, tapos unti unti syang lumapit sa akin at duon ay nagsalita sya, nakita ko na bumubuka ang bibig nya, ngunit di ko marinig ang boses nya at di ko rin maintindihan ito. Kita ko na may sinasabi sya sa akin. Bigla na lang na narinig ko ang kanta ni Martin, habang nagsasalita sya, sinabi ko na hindi ko sya maintindihan, kaya gumawa sya ng lip reading sequence pero wala pa rin. Nang matapos syang bumulong, ay umalis na ito,  pag layo nya nawala ulit ang kanta at may isa pa palang lalake sa gilid ko, ganun din, maputi sya at ang mata nya ay green ang color, golden hair din ito ngunit maiksi at napansin ko na may suot ito na parang sinulid sa noo. Kulay gold din ito. Niyakap ako nito at naintindihan ko ang gusto nyang sabihin sakin, "masaya ako sa pagbabalik mo..." Ganun din ang parang gustong sabihin ng unang lalake na nagpakita sakin.

Pagkatapos ay nagising ako, pagod ngunit napakagaan ng pakiramdam ko, parang napawi ang pagod ko, at parang ang tagal ng naging tulog ko...

Comment by ronaldkaye on February 15, 2013 at 4:48pm

    angels ba yun?

Comment by ++MisteReY 2013 on February 14, 2013 at 8:21pm

    Thanks for sharing Angelo. I don't think your experience is bad at all. In fact, maganda naman ang resulta dahil ok naman ang effect sayo.

of the

© 2023 by Legend Of The Tower.

  • w-facebook
  • w-tbird
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page