top of page

Rowan- Pangitain

Kagagaling ko lang sa work at pagod na pagod, pagkatapos kung kumain at maligo, dali-dali akong sumalampak ng higa sa kama. Cheneck ko ang cellphone ko at ala-sais na pala ng gabi.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nirelax ang buo kung katawan para agad akong makatulog, naramdaman ko nalang na nakatulog ako pero gising ang aking diwa.

Eto na yata yung tinatawag na lucid dream.

Habang nasa ganun akong state may biglang lumitaw na pangitain sa aking isip. Isang lalake ang aking nakita at nagpapakain ng mga kalapati na nasa loob ng kulungan.

Nakatalikod ang lalake kaya di ko maaninag ang mukha nito. Nakasampa sya sa tabla at pilit inaabutan ng pagkain ang mga ibon.

Hindi ko makita yung mukha ng lalake dahil nakatalikod sya at nasa harap ng kulungan ng kalapati.

Nakasuot ito ng puti at maong at tantsa ko medyo may edad na.

Para akong nanunuod ng tv at naghihintay sa susunod na mangyari ng bumigay at mawasak ang kinatatayuan nyang tabla, bumagsak ang katawan sa batuhan at napansin ko na puro dugo ang likurang bahagi ng ulo nya.

Nabigla at natakot ako sa nakita ko, nakahandusay ang lalake at patuloy na umaagos ang dugo sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Pinilit kung blangkohin ang isip ko ngunit paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang pangitain.

Kaya't pinilt kung gumising at bumangon sa kama at agad na nagdasal na sana kung sinuman ang taong iyon malagpasan nya ang panganib.

Makalipas ang ilang araw, Biyernes ng hapon kakauwi kulang galing trabaho.

Nadatnan ko ang nanay ko na nanahi ng pantalon ng tatay ko ng mapansin ko ang lalagyan ng maruming damit.

Dinampot ko ang isang puting t-shirt na napakadumi at basang-basa ng dugo.

Tinanong ko ang nanay ko kung kanino ang damit.

Ayon sa aking ina nagpapakain ang tatay ko ng mga alaga nyang kalapati sa pabrika ng biglang bumigay ang tinutungtungang tabla na yari sa kahoy.

Bumagsak sa batuhan at nabagok ang likuran ng kanyang ulo.

Sa awa naman ng Dyos nalapatan ng lunas ang tinamo nyang sugat sa ulo at hindi grabe ang disgrasya na inabot nya.

Comment by ronaldkaye on February 1, 2013 at 5:53pm

    oo nga, si S. Martin yung mulatto na santo.. he's very holy and madaling lapitan sa langit..

Comment by Rowan Weed on February 1, 2013 at 4:36am

    Meron pang isa si Saint Martin de Porres isa sya sa mga paborito kung santo.

Comment by ronaldkaye on January 31, 2013 at 1:00pm

    yung mga santo (San Padre Pio at Don Bosco, St. Vincent Ferrer, St. Anthony of Padua, St. Francis of Assisi) at santa ( Blessed Anne catherine Emmerich, St. Rita of Cascia)ng simbahan ay meron ding ganyang gift of God... God bless po!

Comment by ++MisteReY 2013 on January 31, 2013 at 12:58pm

    I'm telling you everyone is a psychic for a very simple logic reason: we all have psyche.

Comment by ++MisteReY 2013 on January 31, 2013 at 12:14am

    Indeed a vision of something happened. Meron tayong ganyang ability especially pag malakas ang psychic connection mo sa taong involve in your case, tatay mo.

of the

© 2023 by Legend Of The Tower.

  • w-facebook
  • w-tbird
  • w-googleplus
  • w-youtube
bottom of page