

LEGEND
KRUS
NG SINAUNANG PARAAN NG PAGCONSAGRA, PAMBUHAY SA MGA ANTING-ANTING, AGIMAT AT MUTYA - By: Ka Genro Ymas.
IMay mga tao na may gamit na marunong ng ritual Pam-blessing, Consagrasyon, pagkakarga ng ora sa mga gamit material, pambuhay, pambatak, at pagpapalakas. Ang mga ito ang mga sangkap upang ang isang material na bagay na gawa ng tao ( medalyon, anting-anting etc.) ay maging espiritual na nagiging depensa ng tao sa masasamang espiritu o depensa tungo sa kaligtasan ng katawan.
Ngayon may mga tao na malalayo sa marurunong at kailangan nilang palakasin ang gamit lalo na at Mahal na araw. Ang mga pamamaraang ito ay matagal ng ginagawa ng mga sinaunang tao.
Sa Simbahan ng Iglesia Independensia o Aglipayan Church, Huwebes pa lang ng Mahal na Araw ang Santo Intero na nakahiga ay nilalagyan ng bungkos ng mga gamit gaya ng anting-anting at medalyon(hindi kasali ang mutya at agimat sapagkat ang mga ito ay galing sa kalikasan ) sa ilalim ng kumot nito. Binabantayan ito, dahil marami ring naglalagay ng mga gamit.
Mimisahan ito at aawitan ng awit engkantada. Sa Biernes Santo ay ililipat ito sa isang karosa, kinukukuha ang gamit at inaayos sa pagkakalagay sa Sto.Intero sa karosa, muling nilalagay ang bugkos ng mga gamit. Ang may-ari ng mga gamit ay sumasama sa prusisyon. Pagkatapos ng Prusisyon sa loob o sa labas ng Simbahan ang Santo Intero ay coconsagrahan ng Pari. Matapos gawin ang Consagra ay kukunin muli ang mga gamit.
Kinabukasan ng Sabado ng pagkabuhay dinadala ang mga ito sa simbahan at itinataas pag sindi ng Kandila, bilang Pagkabuhay. Mablessingan kung maaari. May mga pagkakataon na hindi mo ito mababantayan kaya ang ginagawa ng iba lalo na sa Simbahan sa mga probinsya, sa labas inililibing ang mga ito para masakop ng misa ng pagkabuhay at saka na lang kukunin pagkatapos ng Misa ng pagkabuhay.
Huwag isama dito ang mga material ng kalikasan gaya ng mutya at agimat sapagkat mawawalan ito ng bisa. Ang mga ito ay puwede ring isimba ( mutya at agimat) pero pagdating sa pagtataas ng Otsa ay dapat nasa labas na ang nagmamay-ari ng mutya o agimat( gaya ng nabanggit mawawalan ng bisa ang mga gamit sa pagkababaylan o galing sa kalikasan ). Gawin mo ito pagkatapos ng Biernes Santo ng Hain at pagtuob ng mga mutya at agimat sa gabi… sana makatulong sa mga malalayo. Ka Genro Ymas.


of the