top of page

dati, nag prapractice ako ng ritual ng pangkukulam kasi ang hangarin ko noon

kapag may naka-away ako o nang-aapi ay kukulamin ko. kaya lang napansin ko na tila  minamalas ako.

  madalas akong mapaaway dahil nagiging magagalitin ako. kaya itinigil ko nalang ang pag-prapractice nito. tapos itunuloy ko ulit pero ano na under na ng divine magic. ayaw ko namng mag practice ng mahika negra.

   isang araw ay pumunta ako sa quiapo para tumingin at bumili narin ng mga crystal. tapos may nakita akong nagtitinda doon ng pangontra sa kulam.

   mayroon syang teknik kung paano huhusgahan kung ang isang tao ay nakulam. tinitingnan nya yung daliri. pinatingin ko nga rin yung akin, sabi nya wala naman daw akong kulam.

   syempre iniisip ko rin kung marketing strategy lang nya yun

 

 

reply by Beshter Mika'il Sabbathiel

 

 

Ayon… Magandang umaga po…

Sa aking pagkakaalam kapag nangkulam ka, nagtatapon ka ng malakas na enerhiya. So parang may balik sa katawan. Downshift of energy ba ang tawag dun. Kung di sapat ang ipon na enerhiya, maraming manipistasyon sa katawan. Isa nga po riyan ang pagiging mainitin ang ulo. Kaya po dyan kakailangan ang ilang mga gamit para magboost ang energy level. Kung may kilala kayong mga mangkukulam, masdan ninyo pangangatawan. Tuyot….

 

anting-anting.com

totoo ba na makikita sa daliri kung nakukulam ka?

bottom of page