EVILMERODAC
may pagkakataong kaya natin napapanaginipan ang isang tao ay dahil ang taong iyon mismo ay lagi niya tayong iniisip. Pero hindi lang , dahil palatandaan din ito na malalim ang pag-iisip niya sa atin , kumbaga, sobra –sobra ang pag-iisip niya sa atin. Pwede mo rin subukan ang ganun , na kapag sobrang inisip mo ang isang tao , tiyak mapapanaginipan ka niya! Ang sobrang pag-iisip ay kailangan umaayon sa mga sumusunod na kalagayan; Habang ang laman ng isip mo ay ang taong naging bahagi ng iyong buhay , dapat ang mga mata mo ay parang walang natatanaw. Ang mga matang parang walang natatanaw ay nakatingin sa isang bagay pero ang bagay na kanyang tinitingnan ay hindi niya talaga pinapansin. Ang mga matang parang walang natatanaw ay nakatutok sa isang bagay at siya ay hindi kumukurap ng mga ilang segundo hanggang sa mga kalahating minuto. Ang mga matang parang walang natatanaw ay hindi niya nakikita o hindi niya napapansin ang daraan sa kanyang harapan. At ang mga matang parang walang natatanaw ay walang pakialam sa kanyang paligid. Humigit kumulang tunatagal ang ganitong kalagayan ng mga kalahating minuto pero minsan umaabot din ang mga tatlong minuto na ang kanyang mga mata ay parang walang natatanaw. Habang ang laman ng isip mo ay ang taong naging bahagi ng iyong buhay , dapat ang iyong pang-amoy ay hindi gumagana na maaaring magtagal ng ilang segundo hanggang mga kalahating minuto. Habang ang laman ng isip mo ay ang taong naging bahagi ng iyong buhay dapat ang iyong pandinig ay hindi gumagana mula ilang segundo hanggang mga kalahating minuto. Habang ang laman ng isip mo ay ang taong naging bahagi ng iyong buhay dapat ang iyong bibig at dila ay walang paggalaw ng mga ilang segundo hanggang mga kalahating minuto. At habang siya ay sobrang iniisip mo ang iyong katawan ay ganundin , mga ilang segundo hanggang mga kalahating minuto na hindi gumagalaw. Subalit sa ganitong mga kalagayan , ang iyong sense of touch ay nakapalakas na kung may hahawak sa balat mo , ikaw ay biglang magugulat! Ang hirap , ano iha , ang nararanasan ng taong sobrang inisip ka kaya siya ay iyong napapapanaginipan? Muli , ikaw man ay pwede ring maranasan ng ganun! Bilang panimula , siya ay iyong isipin na habang iniisip mo siya sikapin mong huwag gumalaw ng mga ilang segundo o ‘wag lang gagalaw hanggang sa makakaya mo. Pratisin mo ng pratisin at sa dakong huli ang mga kalagayan na nasa sa itaas ay kusang sasaiyo. Kaya , siya naman ang mananaginip saiyo at maaaring magtaka rin siya gaya mo na bakit kaya ikaw ang laman ng kanyang mga panaginip? At kapag madalas na ginagawa mo ang mga nasa itaas , magugulat ka pa dahil gagawa siya ng paraan para kayo ay muling magkaugnayan. Kaya , sasaya kayong dalawa pero dapat hanggang sa masaya lang kayo dahil ayon na rin saiyo may kanya-kanya na kayong pamilya.