EVILMERODAC
Dear Professor, Gusto ko lang po i-share ang story ng sis ko. May bf sya about 6yrs ago. May sakit yung lalaki, sis ko ang nag -alaga sa kanya hanggang namatay yung guy,pero bago sya nalagutan ng hininga, sinabi nya sa sis ko na kung mamatay man daw sya, ay alam nyang susunod ang sis ko sa kanya after 6yrs. After that, madalas na syang napapanaginipan ng sis ko. sa dream nya, niyayaya sya ng lalaki na pumanta sa isang lugar, (hindi nya alam kung saan). Madalas nya rin mapanaginipan yung iba naming relatives na patay na, palagi syang niyayaya. 6yrs na simula nung mangyari ang "curse" na yun, matatawag ba na curse yun? And ask ko dapat ba kaming mabahala? Sa totoo lang, its worrying me, pls, i need, opinions or advice. GDR. Sa’yo GDR, May mga taong nag-alala sa mga bagay na hindi naman dapat na ipag-alala. Meron din pinu-problema ang hindi naman problema at meron ding natatakot,eh ,wala namang dapat na katatukan. Sa ganitong katotohanan , masasalamin na ang iyong sister ay kabilang sa mga nasa itaas na klase ng tao at ikaw man sa biglang tingin ay ganundin. Mahina , duwag at matatakutin , ilang lang ito sa taglay ninyong katangian. Pero ang mahina , duwag at matatakutin ,pwede rin namang lumakas, tumapang at maykaroon ng tiwala sa kanyang sarili. Paano ? The Truth Shall Set You Free! Oo , iho , ang katotohanan ay magpapalaya sa tao mula sa pagkakakulong sa kanyang mga kahinaan. Eh ,bakit naman ba ang Truth ang magbibigay ng kalayaan ? Kasi po , ang mga sinasabing siya ay mahina ay kamangmangan. At ang kamangmangan ay ang Truth ang katapat. Kaya nga kapag hindi na ignorante ang tao sa mga bagay-bagay na kinatatakutan niya , sure, mawawala na rin ang takot niya. Kaya , sa puntong ito , sikapin mong maalis ang kamangmangan na umaalipin saiyo at sa iyong sister. Tulad ng paggamit ng salitang “curse” sa isang hindi pangyayaring hindi naman bagay na tawaging isang ‘curse.’ Ang “curse’ , ay sumpa na mula sa taong sobrang nagalit. Hindi po ito pangkaraniwang ‘sumpa’ , gaya ng “Sumpaan sa Pag-ibig.” Tingnan mo ,iho, buksan mo ang isip mo at ‘wag kang maging isang ignorante , pwede bang ang nagmamahalan ay mag-cu-curse-san ng magcu-curse-san? The Promises Of Love , iho ay hindi The Curses Of Love. Pero bilang pagtatapat saiyo , Oo ,meron ding The Curse Of Love ,ito nangyayari kapag sobrang naapi ang isa , sobrang nasaktan at sobrang nasugatan ang kanyang damdamin , ang kanyang puso at kanya mismong pagkakatao ng dahil sa Pag-ibig. Sa kaso ng sister mo na siya ang nag-alaga sa b.f . niya hangang mamatay , hind pwedeng mai-apply ang The Curse Of Love , dahil , siya na nga ang nag-alaga ,siya pa ang i-cu-curse.Maliban na lang kung ang sakit ng kanyang b.f ay sakit sa isip na pwedeng dahil sa kanyang sakit sa isip ay inakala niya na ang nag-alaga at hindi namam siya inalaaan kundi kunikulong ,kaya inakala din nita naito ay ang kalaban niya. Oo , pwedeng rin nakapagsalita ng curse ang bf ng sister mo pero hindi para sa mismong sister mo kundi ang kanyang “curse” ay para sa taong gumawa sa kanya ng hindi mabuti , kumbaga , dahil sa nahibang na siya ng dahil sa kanyang karamdaman ,inakala niya na ang kanyang kaharap ay ang kanyang kaaway , kaya ,pwedeng ikaw iyon ,ito ay kung hindi naging maganda ang trato mo sa bf ng sister mo. Narito naman , iho , ang mga katotohanan tungkol sa tunay na Curse. Bukod sa dapat ay may galit ang mag-cu-curse, dapat na may “completeness” ang mga pangungusap na babanggitin. Tulad ng “ Isasama kita sa kamatayan at magagawa ko ito sa ngalan ng Langit or sa ngalan ng kung ano-anong nasa Langit or nasa ibabaw ng mundo or nasa ilalim ng Haring Araw . Kapag ang mga salita ay wala ang huling bahagi na siyang pagkakagalingan ng kapalangyarihan, ang kanyang sinabi ay mauuwi lang katagoreyang “wish ko lang ‘to.” May mga pagkakataong , hind na nabanggit ang huling bahagi , pero kailangan na bago masabing “curse” ang nagsalita ay kakitaan ng tinatawag n “The Evil Eye.” Ang “The Evil Eye” ,iho ,ay ang Mata na punong puno ng galit at wala ng kahit konting Pag-ibig sa kanyang isip ,puso at damdamin. Malabong naging ganito ang bf ng sister mo , kaya , ang gusto ng Professor mo ,ipanatag ninyo ang kalooban ninyo. Mayroon pang isang katotohanang magpapalaya sa iyong kamangmangan. Kapag namatay ang tao ,siya ay makakarating sa isang lugar na kung saan ay hindi siya makakaalis. Hindi mo ba na alala ang kwento tungkol kay Lazaro , The Beggar , na nasusulat sa Sagradong Aklat na kung saan ay nakikiusap ang isang namatay na kay Amang Abraham na siya ay pabalikin sa lupa na ang sagot ni Abraham , “Hindi pwede ,iho ,ang request mo!” Kaya , kung kayo ng sister mo ay isang tunay na Kristiyano , kumapit kayo sa mga salitang nakasulat mismo sa inyong Bible. Bumitaw kayo sa kamangmangan dahil si Jesus Christ mismo ang nagsabing ng The Truth Shall Set You Free. Kaya lang sa totoo lang , sa ngayon , marami ang nagsasabing sila’y mga naniniwala kay Kristo at sila’y naniniwala sa kanilang Diyos , pero hanggang sa salita lang dahil sa kapos na kapos sa isip at gawa. Alam mo, iho , hindi naman gaanong mahalaga kung naniwala ka nga o hindi sa mga isyu sa nasa itaas , dahil , ang isa pang katotohanan na magpapalaya saiyo at sa sister mo ay ang kapag naganap na sa mundo ng mga panaginip , hindi na magaganap sa reyalidad.” Bakit ? Kasi po ,naganap na kaya hindi na magaganap pa! Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo.