top of page

 

 

 

 

Lahat ng kahilingan ,iha , madali lang. Masusunod lahat at ikaw ay mapagbibigyan , kahit pa ang sinasabi mong magkakatuluyan ba ang Langit at Lupa.
Eto ang sekreto ng gaya mong nasa Zodiac Sign na Cancer kung paano ang panggagayuma. Magagamit mo ito sa kahit na sino ang makursunadahan mo.
Taglay ng mga nasa Cancer ang tinatawag na “Powerful Sense Of Touch.”. Ibig sabihin , sobrang malakas ang kapangyarihan ng iyong kamay. Na ang sinumang mahawakan mo ng nadalas ay mai-inlove. Kaya kung magagawa mo na madalas na siya ay mahawakan , tiyak kayo ay magiging kayo ,as in siya ay magkakagusto sa iyo.
Kahit hindi mo gamitin ang mismong kamay mo , magagayuma mo siya kapag madalas na nagkakadikit ng inyong mga balat, ‘di ba madali lang at talaga namang walang kahirap-hirap? Hawak lang ,iha o pagkakadikit ng balat , ibig sabihin ,kahit hindi ka magsalita o walang mamagitang pag-uusap , tiyak na siya ay iyong mabibihag.
Subukan mo at ikaw na mismo ang magsasabi , ang ganitong paraan ng panggagayuma ay very effective kapag ang gagawa ay ang isinilang sa Zodiac Sign na Cancer. Pero mayroon babala na nagsasabing huwag mong gagawin sa hindi mo naman kursunada dahil tiyak na magkakaroon ka ng malaking problema . kumbaga , kapag hindi sinasadyang nagayuma ang isang hindi naman gusto, baka siya mismo ang mabiktima ng kanyang sobrang napakalakas na gayuma.
Narito naman ang aktuwal na sagot sa mga katanungan mo.Oo , iha , compatible the same ang Zodiac Signs kaya kayong dalawa ay compatible with each other. Wala kang dapat na gawin kung ang layunin lang ay ang magkalapit kayo sa isa’t –isa dahil ang isa sa kahuliugan ng magkacompatible ay magkalalapit sa isa’t –isa. Pero kung ang nasa isip mo ay ang pagkakalapit para magkaroon ng relasyon ang sagot ay ang gamitin mo ang teknik sa panggagayuma na nasa unahan. Ang tungkol sa siya ay doctor at ikaw ay empleyada niya , wala namang problema doon ,ah , dahil , ang bisa ng gayuma ay walang kinikilang estado sa buhay.
Magkakatuluyan ba kayo? Eto ang medyo maselang isyu , dahil , ang mga nagliligawan o nagsusuyuan kapag sinagot na , ‘di ba ang sabi , sila’y nagkatuluyan na? Kumbaga , nililigawan para makuha ang isa o sinusiyo para siya rin ay mahalin at kapag nakuha na o minahal na ‘di ba ang ibig sabihin natuluyan na sila ay kapwa nagmamahalan na.
Ang isa pang kahulugan ng nagkatuluyan na ay ang kapag nagsex na ang dalawang nagmamahalan ,sila ay nagkatuluyan na , dahil , bilang pagtatapat saiyo , ang pagtatalik ay ang lundo o huling bahagi ng pagpapakita ng pagmamahal. Lahat ng ito ay mararanasan mo kapag ginamit mo ang iyong sobrang makapangyarihang sense of touch.
At para maging panghabang –buhay ang isang relasyon para sa mga nasa Zodiac Sign na Cancer ang sekreto ay ang habang buhay din nila na gagamitin ang kanilang sobrang mapangyarihang sense of touch. Muli , magagamit mo ito sa kahit na sino ang iyong makursunadahan , doctor man siya o isang pasyente.
Good Luck and God Blesss.
.
 — with Socrates Magnus and Karunungan Bulgar.

 

 

 

Powerful Sense Of Touch

bottom of page