EVILMERODAC
I'm ang mga lonely ar very lonely ay nakakapanaginip ng mga senaryo sa Langit. Kaya lang may isa pang kondisyon na dapat ay nasa kanila para makaranas sila ng kakaiibang kaligayahan na maiuugnay sa Langir or Heaven at ito ay ang sila ay may sakit , kapansanan o direpesya sa katawan at kung sobrang nasusugatan ang kanilang damdamin at pagkatao.Sa madaling sabi , may mga lonely at mga very lonely na hindi Langit ang kanilang napaanaginipan pero tiyak na tiyak na ibang mundo ang nakikita nila sa kanilang mga panaginip. Napansin mo ang sinabi ko na ibang mundo? ‘Di ba ibig sabihin , hindi agad –agad na Langit ang mga ibang mundong nasa panaginip.Ang “ibang mundo” ay pwede na ito rin ang tunay na mundo natin kaya lang ang napanaginipan ay mundo sa nakaraan , kumbaga andito pa rin sa mundo nating nanaganip pero sa panaginip niya nakapaglakbay sasiya sa nakaraang mundo o pabalik sa lumang panahon kaya masasabi ngang ibang mundo ang kanyang napuntahan sa kanyang panagnip.“Ibang mundo” ang tawag sa mundo sa hinaharap o sa future , kumbaga , ito pa rin ang ating mundo kaya lang ang nanaginip ay naglakabay “in to the future.”Mayroon pang ibang mundo na kasabay naumiiral o may eksistensya rin katulad ng mundo natin kaya lang nasa ibang dimension o ibang kalagayan , ito ang espirituwal na mundo at ibang mundo rin ang pwedeng mapuntahan sa panaginip at ito ay ang mundo ng pagpapantasya na sa totoo lang pwede na rin hindi isali ito sa sinasabi nating “ibang mundo” kaya ang mundo ng pagpaopantasya ay hindi isang tunay na mundo kasi nga likhang –isip lang ito ng nanaginip.Balikan natin ang mga panaginip na nakapunta at nakita ang Langit: Kaya lungkot ang unang basehan ng ganitong panaginip ay dahil talagang totoong –totoo ang nakasulat sa Sagradong Aklat na “ Mapapalad ang nalulungkot dahil sila’y aaliwin.” Pero , paano naging mapalad ang mga malungkot? Parang mali yata ito at mukhang kasinungalingan ang mga salita na ito na sinabi mismo ni Jesus Christ. Malungkot na , tapos , mapalad pa! Lonely na tapos , suwerte pa! Verely lonely na nga tapos , buwenas pa! Hindi yata tama yon , ‘di ba?Hindi naman natin pwedeng kuwestiyunin si Lord , baka magalit siya at baka magkatotoo ang mga pabirong kwento na kung hindi lang siya nakapako ,eh, sisipain Niya tayo! At kung sasabihin naman nating Siya ay sinungaling , lalo hindi pwede ‘yon kasi sabi din niya “ Ako ang Katotohanan, I’m The Truth!”Ano ngayon ang ating mabuting gawin? Tatanggapin na lang ba natin ang ganung mga pahayag na sa totoo lang ay sobrang mahirap na paniwalaan? Ano nga kaya ang mabuti nating gawin?Kaya , para malaman natin kung ito nga ay totoo , maghanap tayo ng malungkot na tao , tatanungin natin at kung sabihin niya na totoo nga na siya nanaginip ng Langit , ‘wag agad tayong maniwala kasi baka , nagkataon lang naman yon. Kaya hahanap uli tayo ng isa pang malungkot at ng isa pang malungkot at isa pang malungkot at ating matutuksan na hindi pa isang kasinungalin ang sinasabing , “Mapalad ang nalulungkot dahil sila ay aaliwin.”Hanggang sa muli,Professor Seigusmundo del Mundo.