top of page

Dahil ang iyong zodiac sign na Aries ay pinaghaharian ng buntalang Mars.

           Tama rin ang sinabi saiyo ng manghuhulang nakausap mo na ikaw ay makakalabas ng bansa dahi ang mga “Anak Ni Marte” ay tiyak na tiyak na pauli-ulit na bibigyang ng pagkakataon na makapag-abroad!

           Tama  rin na ang lahat ng gugustuhin mo ay mapapasaiyo dahil kapag naghangad ang mga “Anag Ni Marte” nakukuha niya ang kanyang hinangad.

 Ang hindi tama ay ang sinabi mong madalang kayong magkasama  ng iyong girlfriend  sa kabila ng may nangyari na sainyo. Sa madaling sabi , iba ang mapapangasawa mo at ito ay makikilala mo kapag ikaw ay nasa abroad na!

             Narito ang ilang sekreto ng mga “Anak Ni Marte,”  pag-aralan mong mabuti ng sa ganun ay hindi ka maligaw at ng ang  tagumpay mapasaiyong mga kamay;

              Bilang paunang  pagsasanay , mula saiyong kinatatayuan o kinalagyan , titingin ka sa isang bagay na medyo malayo saiyo.

              Sasabihin mo sa sarili mo , kukunin mo ang bagay na iyong nakita at nagustuhan;

             Pagkatapos mong masabi sa sarili mo na gusto mo ang bagay na iyon  , tumayo ka , lapitan mo at kunin mo!

               Muli , pag-aralan mo ang itinuturo ko saiyo ngayon na simpleng pagsasanay para sa mga “Anak Ni Marte” na gaya mo.

               Balikan natin ang  nasabing pagsasanay.  Saiyong  kinaroroonan  , lilinga  ka ,ibig sabihin , hahanap ka ng magugustuhan mo na angkahulugan ang mga “Anak Ni Marte”  ay kailangan munang magustuhan nya ang isang bagay .

               “Lalapitan mo”  , ibig sabihin , ang katawan mo ay nagkagusto rin , kumbaga , hindi lang isip ay naghangad pati ang iyong katawan kaya nga siya ay tatayo at lalapit sa bagay nagusto mo.

                Meron kasing ibang tao na  nangangarap lang at ang pangarap nila ay nasa isip lang  , kumbaga ang kanilang katawan , hindi na naniniwala sa kanilang mga pangarap kaya , nakatunganga lang.

                 “Kukunin mo “ , ibig sabihin , gagalaw ang iyong mga kamay upang magkaroon ng kaganapan ang sinabing mapapasaiyo ang iyong hinangad.

                  Hindi lang isang beses mong gagawin ang pagsasanay na ito  , paulit-ulit na , lilinga ka at tatayo at lalapitan at kukunin mo ang bagay na ginusto mo.

                   Sa bandang huli ,  kapag may nagustuhan ka  , kusa ng  magsisigana ang iba pang bahagi ng katawa para mapasaiyo ang hinangad mo.

                  Umaasa ako na magsasanay ka ng magsasanay upang ikaw ay magkaroon ng matagumpay na buhay!

mga nilalang na tinatawag na “Anak Ni Marte.”

bottom of page