top of page

Araw –araw , may mga hindi nakikitang pwersa na  nasa ating paligid. Minsan , kapag tayo ay malungkot bigla tayong sasaya , ito ay sa dahilan ang  isa o ilang buhay na pwersa ay pumasok sa ating katawan. Minsan din masaya tayo  pero bigla tayong malulungkot. Minsan  nakakaranasa tayo ng tinatawag na Kalamasan tapos , biglang namang tayong susuwertihin  minsan naman kabaliktaran. Muli ang dahilan ay dahil sa  mga pwersa sa paligid na  sumasaatin.

            

   Dito sa ibabaw ng lupa at maging sa ilalim at  kahit sa   Langit ang lahat ay may kanya –kanyang pangalan , dahil , idiniklara ang Dakilang Maylalang na  ang bawat umiiral o may eksistensya ay  magkaroon ng pangalan , kaya , kaya ang  hindi umiiral o walang esistensya ay  walang pangalan.

             Narito ang mga pangalan ng mga Makakapangyarihang Pwersa sa ating paligid  na may kaugnayan  sa mga nunal ng tao.

              Ang Pwersa Ni Aries na handang  umalalay o tumulong o umasiste sa mga taong may Nunal sa Head or Ulo and Face or Mukha. Kadalasan , naninirahan din Siya sa mga may Nunal sa bahagi ng katawan na nasabi  hanggang sa makuha ng tao ang kanyang gusto sa buhay.

            May  mga Nunal ka pala sa iyong Head or Ulo , ibig sabihin , magagamit mo ang Kapayarihan ng Zodiac Sign na Aries , kaya gusto kong ibalita saiyo na may malaking tsansa na yumaman ka , dahil ang  Aries ay kasing kahulugan ng pagdami ng mga ari-arian or kabuhayan.

                Ang Pwersa Ni Cancer ay para sa mga may Nunal sa Dibbid or Suso , kaya , dahil may Nunal ka sa dibdid  ,ibig sabihin , sobrang malakas ang iyong likas na gayuma  kumbaga , ikaw ay may nakakahalinang  personalidad.  Na kapag ginamit mo kahit ang sobrang suplado ay ma-i-inlove nasaiyo.

               Ang Pwersa Ni Leo ay nasa Dibdib din sa tapat mismo ng Heart or Puso , na ang kahulugan, hindi mauubusan ang tao ng mga suwerte sa buhay. Kumbaga , sa huling Timbangan Ng Kapalaran , ang taong ito ay higit na mas maraming dapat na ipagpasalamat sa Langit.  

             Ang Pwersa Ni Gemini ay para sa mga may Nunal sa Braso , kaya , ikaw ay may makaking tsansa na paulit-ulit na manalo sa mga pakikipagsapalaran.  Magkaganuman ,  hindi ka hinihikayat o pinapayuhan na magsugal dahil pwedeng –pwedeng ma-adik sa  mga laro na ang nakataya ay ang mismong Kapalaran ng Tao.

             Ang Pwersa Ni Sagittarius ay nasa  mga taong may Nunal sa Binti or Hita , na ang ibig sabihin , kapag babae or girl ang may nunal siya ay magkakaroon ng suitors  na may kaya , na mayaman na siya ay  makakatikim ng masarap na buhay.

                Ang Pwersa Ni Venus ay nasa bahagi ng palad na nasa Mount Of Venus at sa Digit or Finger ni Venus. Ang Mount Of Venus ay ang mismong kalamnan ng Hinlalaki na siya rin kinalalagyan ng Unang  Biyas o Unang  Parte ng Hinlalaki kaya kapag ginagalaw ang Hinlalaki ang Mount Of  Venus ay kusa ring gumagalawa dahil nga sa nandun ang  Unang Biyas o Unang Parte n Hinlalaki. Ang Digit or Finger Of Venus ay  ang pangalan mismo ng Hinlalaki.

               Kapag ang tao ,lalaki man o babae , bakla o T-Bird , bata o matanda  ay may Nunal sa bahaging nasabi , siya ay walang pagdududa na mananatili  aktibo o gumagana ang  kanyang natatangi o naiibang ganda  hanggang sa kanyang Huling Hininga.

              Sa  pangkahatang pananaw , ang mga taong gaya mo na maraming nunal higit na mapalad kaysa sa mga pangkaraniwan  dahil sa  may  mga reserbang pwersa ka kusang nagsisilitaw sa sandali ng iyong mga pangangailangan.

mga hindi nakikitang pwersa na  nasa ating paligid

bottom of page