top of page

Kapag pinag-uusapan ang Kamatayan , lahat naman tayo ay kinabahan. Alam mo, yon isa friend ko sa facebook na nasa Taiwan , nanaginip na nakakita siya ng dalawang tao na parehong lalaki , at iyon isa sabi niya , sa panaginip niya , namatay na pinatay ng isang babae.
At ng makita nya ang profile photo ko , nagulat siya dahil sa panaginip niya kamukha ng nasa photo yon two lalaki na nakita niya sa panaginip niya na ,yon nga yong isa namatay parang kamukha ko mismo.Tapos , sa kwento niya madalas daw na nagkakatotoo ang mga panaginip niya , tanong pa nga niya kung siya ba ay mayroon The Third Eye.
Tapos , noon , ilang araw din akong hindi nakapagchat sa kanya kasi nga tulad mo rin ako ganung na lang ang kaba ko. Pero , ‘di ba eto na ako , buhay pa at kasalukuyang sumasagot sa e-mail mo.
Makapangyarihan ang Kamatayan. Lahat ng may buhay mamamatay . Ito ay totoo at laging magkakatotoo na ang Kamatayan ay tunay na makapangyarihan. Ang isa pang nga totoo , tungkol sa Kamatayan , kahit na ang Panginoon ng mga Panginoon na si Jesus Christ hindi Niya kaya na talunin ang Kamatayan. Ganyan katindi ang Kamatayan na maging ang mismong Diyos ay umaayon sa kanyang kapangyarihan.
Ganito ang sabi , “ Kailangan mamatay ang may gawa ng Tipan upang ang mismong Tipan ay magkaroon ng kabuluhan.” Napansin mo ba , ang salitang “kailangan.” ‘Di ba ibig sabihin , sa gusto o sa ayaw , matutupad? Napansin mo rin ba ang mga salitang , “may gawa ng Tipan?” Sino ba ,iha, ang may gawa ng Tipan? Hindi tao o kahit na sinong tao , dahil ang Tipan ay ang Diyos mismo ang may gawa. Kaya , malinaw na malinaw na ang Kamatayan ng may gawa ng Tipan ay magaganap , sa may gumusto man o sa may umayaw.
Sa mga panaginip , ganyan din ang prinsipyo na bago magkaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao ,siya ay mananaginip na siya ay namatay na. Kaya nga , ang mga gamanda ang buhay , ang mga mahihirap na nagsiyaman , ang mga walang trabaho pero ‘din nagtagal ay namasukan at umasenso at ang marami pang iba na biglang nakaranas ng magandang mga kapalaran mula sa buhay na walang kabuluhan ay ,tulad ng nasabi na , nanaginip na siya ay patay.
Takot ka pa rin ba sa mga napanaginipan mo? Syempre ,Oo ! Pero kapag naranasan muna ang sinabi kong tunay na kahulugan ng iyong panaginip , ang takot ay mawawala na at ikaw na mismo ang magsasabi na bago magkaroon ng kaligayahan ang sinuman , kailangan munang maglaho ang dating siya na batbat ng kahinaan.
Ibig sabihin , ang pagbabago ay hindi mangyayari habang nanatili ang kasalukuyan at ang pagkaalipin sa nakaraan. Sa madali , sabi , ang Kamatayan lang ay susi ng pagkakaroon ng bagong buhay. Kaya nga ang madalas natin madinig na “In Death There Is Life” ay pwede na rin nating kabuhin at ang higit na mas tama ang ating ipapalit na ‘In Every Death , There Is New Life.”
Dahil dito naniniwala ang Professor mo na hindi magtatagal at ikaw mismo ay magkakaroon ng buhay na kakaiba na bago na ang magagandang pangyayari na hindi pa nangyayari noon sa buhay mo ay tiyak na tiyak na mararanasan mo.
Hanggang sa muli,

Makapangyarihan ang Kamatayan

bottom of page