top of page

   Dito sa atin sa Pinas , totoong ganyan ang paniwala na sa tuwing sasapit ang Holy Week ay marami ang nagtatangkang kumuha ng mga agimat ,anting-anting at mga talisman. Magkaganuman , kahit anong araw ay pwedeng magkaroon ng agimat o natatanging kapangyarihan ang sinumang nilalang.Ang mga kwento tungkol sa pagkakaroon ng agimat o espesyal na kapangyarihan ay pwedeng g-araw –araw na nangyayari sa buhay ng bawat tao. Dahil ang mga kapangyarihan ,sa totoo lang ay hindi nangmumula sa bagay na siya mismong agimat .

   Hindi ganung kasimple ang pagkakaroon ng malalakas na kapangyarihan dahil sa mismong mga kwento tungkol sa mga ito ay naroroon na nakatago ang tunay na sekreto kung paano magkakaroon ng espesyal na powers ang tao.Ayon sa mga matatanda , kung gusto mo ng agimat na ikaw ay magkakaroon ng matinding Tapang sa araw ng Huwebes Santo o sa anumang araw sa Holy Week , kukuha ka ng agimat mula sa puso ng saging o babana , sa hating-gabi at itatapat mo ang bibig mo sa puso na kung saan ay tatapyasin mo ang dulo ng puso at sasaluhin ng bibig mo ang lalabas na tubig o likido mula sa puso ng saging.‘Di ba madali lang na magkaroon ng agimat?

  Pero sa mga panahon ganyan ng paniwala ng mga sinaumang Pinoy , hindi yan madali! Una , dahil sa panahon nila , bawal sa mga tao ay lumabas sa gabi dahil ayon sa kanila sa gabi ay gumagala ang mga kung ano-anong elemento o mga nandito sa mundo.Kaya kung magagawa mong lumabas sa gabi , ibig sabibin ,nagpapamalas ka ng Tapang.Tapang ! ‘Di ba kahit naman sa ngayon sa ating panahon , pwede ka rin namang magpakita ng Tapang kahit hindi ka kumuha ng agimat mula sa puso ng saging at kapag nagawa mo , mas malamang na magtagumpay ka sa buhay mo.Dahil ang Tapang ay isa sa pormula ng tagumpay. Kaya nga ang duwag at ang mga mahihina ang loob , hindi pa man nagsisimula ang bawat laban sa kanilang buhay , ibibilang na agad sila sa mga talunan.Sa pagkuha ng agimat mula sa puso ng saging na ang likido na magmumula dito ay sasaluhin mo ng bibig mo ay kakitaan naman ng pagpapamalas mo na Buo ng Loob mo. Dahil kundi hindi buo ang loob mo hindi mo magagawaito , Sobrang pait ang lasa ng likidong mula sa puso ng saging kaya kahit na nakalabas ka sa gabi o tumapang ka maasusukat ang tibay ng kalooban mo kapag tulad ng nasabi ay nagawa mong lunukin ang mapait na likido ng puso ng saging.Ibig sabihin , bukod sa taoang ang isa pang kailangan ng tao ay ang siya ay dapat na buo ng loob. Ito ay sa dahilang bagama’t umaani ng tagumpay ang matatapang pero pa rin silang mabigo sa buhay kapag hindi naman pala tunay na buo ang kanilang loob.Kaya nga , ang Tapang at Buo ang Kalooban ay magkakambal na katangian , kumbaga, kailang may Tapang at Buo ang kalooban , ito ang tunay na kung bakit ang tinatawa na “ Bravery at Courage” ay laging sabay na sinasabi.“Be Brave and Have Courage , ito ang mabisang susi ng tagumpay na kapag taglay ng isang tao , siya ay magiging makapangyarihan . Ibig sabihin, hindi ang puso ng saging o ang agimat na mula sa ito ay panggagalingan ng tunay na kapangyarihan.Kaya , kahit na nasa siyudad ang isang tao , pwede rin siyang magkaroon ng kapangyarihan , pero yon nga kailangan magpamalas muna siya ng pagkakaroon ng Tapang at Buo dapat ang kanyang loob. Subukan mo ,iho , magpakatapang ka at ipakita mo na buo ang loob mo , makikita mo ang malalaking tagumpay sa buhay ay matitikman mo. Subukan mo rin na umatras sa mga hamon ng iyong kapalaran , tiyak mararanasan mo na totoo pala na ang mga duwag at mahihina ang loob ay may mga pangit na kapalaran.

totoo po bang ang pagkuha mga agimat or anting –anting ay sa tuwing Mahal na Araw ?

bottom of page