EVILMERODAC
I'm Alam mo, noon pa man , ang mga magulang at ang mga anak ,lagi na lang magkasalungat. Simula pa man ang mga bata , hinahadlan na ng kanilang mga magulang. Dahil , ang nauna ay higit na nakaalaman kaysa sa nasa huli o sa kasunod niya. ‘Di ba ang ating mga parents nauna sa atin ? Kaya , sa totoo lang , higit silang may alam kaysa sa atin. Ang bata , kumikilos ng siya ay malaya, kaya nga ung ano ang gusto niyang hawakan ,iniabot ng kanyang mga kamay , at kanya rin isinusubo sa bibig. Si magulang naman , matiyagang nagbabantay kasi nga lahat ng bata , gandun ang ikinikilos , kilos ng isang malayang nilalang. Kapag nakita ng magulang na mahuhulog ang anak , agap niyang inagapan , kapag nakita ng ina na ang anak at masasaktan , syempre, gagawin ng ina ang nararapat.Ganun ang papel ng magulang taga-awat sa inaakala niyang hindi magandang kilos ng anak. Sa panaginip mo panay ang awat saiyo ng magulang mo na ang ibig sabihin , sa tingin ng mama mo medyo mali na ang ginagawa mo.Pero dahil sa panaginip mo , muli at muling ginagawa mo ang ayaw ng mama mo , ibig sabihin inaakala mong tama ka at mali si mama mo. Sa madaling sabi , sa kasalukuyang buhay mo at sa panahon ito ng iyong kabataan , nagkakaroon ng pagkakasungat ang pagmamahal ng magulang sa kanyang anak at ang pagmamahal ng bawat tao sa kanyang sarili.Kumbaga , sabi ni mama , mahal ka niya kaya siya ang higit na nakaalam kung ano ang mabuti para saiyo, sabi naman ng sarili mo pero hindi mo namamalayan , ikaw ang higit na nakaalam ng tungkol sa sarili mo dahil hindi naman si mama ang tunay na may –ari saiyo kundi ikaw mismo.Pero sa totoo , alam m din naman na kailangan mo sumunod kay mama dahil mukhang mas tama siya,kaya lang , kailangan mong pagbigyan an sarili mo kasi doon ka masaya.Nakita mo ba ang pagkakaroon ng kontrahan sa buhay ng anak at ng magulang?Pero gaano man matindi ang pagsalungat ng magulang ang nasusund pa rin naman ay ang anak. Hirap ng buhay ng mga magulang ,’di ba ? Kasi , kahit ayaw nila , wala silang magawa kundi ang pagbigyan pa rin si anak. Alam mo , ang papel ng magulang , kahanga –hanga , kasi mas madalas sila ang nagsasakripisyo , alang –alang lang sa kaligayahan ng anak. Mayroon ding mga magulang na kunsitidor , na kung ano ang gusto ng anak ,iyon na rin ang gusto nila , kumbaga , hindi na sila nagpapakita ng pagkontra kahit pa kinakabahan sila na mabuhay sa pagkakamali ang anak. Sabi ng panaginip mo, kailangan mong sumunod sa mama mo. At kung patuloy kang hindi makikinig sa kanya , mararanasan mo ang tulad ng isang ang bata ay naakit sa ningas ng apoy at sia ay napaso.At kung gagamitin natin ang iyong napapanaginipan sa paghuhula , makiitang darating ang sandali sa buhay mo na ikaw ay mai-inlove sa isang babae na hindi gusto ni mama mo. Sa ganitong pwedeng mangyari saiyo, sino kaya an manaig , ang mama mo o ikaw ?Ang hula ay nagsasabing hindi mo pakikinggan si mama mo at ang ikalawang hula , mabibigo ka sa iyong pag-ibig! At ang ikatlong hula ay nagsasabi mula sa kabiguan ,marami kang matutuhan kaya kahit hindi ka na payuhan ni mama mo , kaya mong iayos ang sarili mo.Hanggang sa muli,Professor Seigusmundo del Mundo.