top of page

 marami ang nag-aalilangan sa kung ang mga gayuma ba ay totoo. Meron din na hindi na nag-aalinlangan kasi ang paniwala nya ay wala namang talagang gayuma at yon iba , may paniwala sa gayuma kaya lang hindi nila alam kung saan or paano magkakaroon nito. Meron din na naniniwala sa gayuma dahil sa naranasan nila na maagaw sa kanila ang kanilang mahal.Meron isang aklat na kinikilala na may awtoridad kapag ang pag-uusapan ay ang kung paano maaakit o magagayuma ang isang tao. Kapag nadinig mo ang pangalan ng nasabing aklat , mas malamang na hindi ka na komontra ka kasi ang aklat na ito , kilala sa buong mundo na naglalaman ng sinig at agham Love ,Sex ,Romance , Relationship at Marriage. Ito , iha , ang AKLAT NA KAMA SUTRA na isang kabanal-banalang aklat.Alam mo , ang mga unang bahagi ng Kama Sutra ay nagtuturo sa kung paano ang gagawin ng babae at lalaki sa panahon ng kanilang pagiging dalaga at binata. Sa panahon ng kadalagahan at kabinataan ang tao ay mulat na sa Love , Sex at iba pa. Ang panahon din ito sa buhay ng tao ay paghahanda sa kanyang pag-aasawa dahil ang pag-aasawa ay ang lundo o huling bahagi ng babae at lalaki sa larangan ng pagkikipagrelasyon.Alam mo rin , iha , kaya napagkamalang for adult only ang Kama Sutra ay dahil sa aklat na ito ay todong nakatuon sa kung paano ang tamang pagtatalik ng sa ganun ay maging panghabang buhay ang pagsasama o relasyon. Bagama’t mas maraming kabanata ang para sa sex life , itinuro din sa Kama Sutra ang mga nararapat na isabuhay ng isang dalaga at isang binata na wala pang boyfriend or girlfriend. Kaya lang ang mga tao , likas na may tagong hilig sa sex kaya ang Kama Sutre ay lagi nilang iniuugnay sa pakikipagtalik.Hindi naman natin masisisi ang mga taong ganun ang pananaw sa buhay , dahil may bahid din naman ng katotohanan na kapag ang babae o lalaki ay magaling sa sex , hindi siya iiwan ng kanyang karelasyon. Pero sa Kama Sutra , kinikilala na ang tao , babae at lalaki ay may panahon na ang galing a husay niya sa sex ay naglalaho. Kaya nga ang nasabing pananaw na ang may galing at husay sa sex ay hindi iiwan ng kanyang karelasyon o asawa ay mali na. Dahil nga sa nawawala o naglalaho ang galing at husay sa sex ng babae at lalaki.Sa Kama Sutra , walang iwanan at habang –buhay na magkasama , dahil dito , gusto kong ibahagi saiyo ang ilang katuruan sa aklat na ito ng ganun ay may makuha kang ideya . Ang mga unang bahagi ay naglalaman ng tinatwag na 72 arts, hindi 69 tulad ng nasa isip ng mga mahihilig at sa 72 arts , walang kahit isang diretsang mababasa na salitang sex o pagtatalik. Ayon sa Kama Sutra , kapag natutuhan ng babae ang ilang sa 72 arts , malaki ang posibilidad na hindi na siya iwan ng kanyang mahal. Ang ilang na dapat na pag-aralan ng babae ay ang pananahi ng damit , pagluluto , pag-igib ng tubig , paglalaba , paglikha ng banga o palayok o ng mga bagay na gawa sa putik. Dapat din na marunong ang babae na magdrawing ng punong –kahoy at ng mga bunga na mga bilog. Ang pagsusulat sa mga letrang “y ,g at j” ay ipinaalam din sa kanila.Hindi na natin sasabihin lahat ng 72 arts , dahil ayon din naman sa Kama Sutra ,may matutuhan lang ang babae ng kahit ilan ay sapat na para hindi siya iwan ng kanyang mahal. Pwede bang ako naman ang magtanong saiyo , may alam ka na ba sa mga ilan sa nabanggit sa itatas , marunong ka na bang magluto at maglaba? Baka hindi pa , eh, kailangan muna na ito ay alam mo.Sa Kama Sutra ,iha , pagtapos na ituro ang tungkol sa 72 arts ay saka pa lang ibabahagi sa babae o sa lalaki ang tungkol sa pakikipagtalik. Dahil sabi rin ng Kama Sutra , kapag nauna ang kaalaman sa pakikipagtalik ang babae o lalaki ay iiwan ng kanyang mahal ,as in ,siya ay mabibigo sa kanyang love life.Ang tungkol sa gayuma na alam ng tao sa ngayon ay mula rin sa Kama Sutra , dahil ang aklat na ito ay higit na mas nauna kaysa sa anumang aklat na nakikila ng buong mundo , ang totoo , mas una pa ang Kama Sutra kaysa sa Biblia. Ang huling bahagi ng Kama Sutra ay ang kung paano gagawa ng gayuma. Kaya ito ay inilagay sa hulihan ay dahil , hindi pwede na ito ay mauna ,dahil ayon sa Kama Sutra , kapahamakan at pwede rin kamatayan ang sapitin ng taong gagamit ng gayuma na hindi nila alam pa ang ilang sa 72 arts at ang tungkol sa tamang paraan ng pakikipagtalik.Dahil sa sobrang mapanganib ang katuruan sa tunay na gayuma , ipagpaumanhin mo na hindi kita muna matuturuan ng paggawa ng tunay na gayuma.

I'kung ang mga gayuma ba ay totoo

bottom of page