top of page

  kapag napanaginipan ang half human – half snake na ahas , tama ang iyong friend , ang tinutukoy nga nito ay ang isang kaibigan din ng nanaginip. Pero , wala kayong dapat na ikatakot o ipag-alala , dahil , sa totoo lang din , mababait ang mga ahas , maamo at hindi mahilig sa away. Kaya lang sila nagagalit ay kapag pinagagalit at kaya lang sila nangangagat kapag sila ay nasa panganib.At ang half human –half snake , mas lalong mabait kasi nga may “Human” sa kanyang pagkatao kaya , ang galit niya kahit pa kasing laki ng mataas na bundok , tatalunin ‘yon ng kanyang pagiging half human.Ganito , iha , ang gawin ninyo ng friend mo para sa nagagalit an friend din ninyo. Una , huwag ninyong sundin ang karaniwang nangyayari kapag may kaaway na “ngipin sa ngipin , mata sa mata.” Ginagawa lang ang ganito , sa mga kaaway na hindi naman natin kaibigan pero sa ating mga kaibigan kapag nagalit sa atin , ang dapat ay pairalin natin ang Pag-ibig.Ang pusong may pag-ibig , madaling makaunawa , mapagpatawad at magpaparaya. Kapag nakita niya na kahit galit siya ay mahal ninyo para rin siya dahil magkakaibigan kayo , kusang mawawala ang sama ng loob niya. Alam mo ,iha ,ang kaibigan ay kaibigan at ang pakikipagkaibigan ay panghabang –buhay. Sa kabilang banda , ang pakipipagboyfreind ay pansamantala lang , at ang mga pakikipagrelasyon ganundin , nagwawakas at natatapos. Kaya nga sa buhay ng isang tao , ang dapat na bigyang niya ng higit na pahalaga ay ang mga kaibigan nila kahit pa , nagkakatampuhan sila.

kapag napanaginipan ang half human – half snake na ahas

bottom of page