EVILMERODAC
Sa panaginip , kapag ma nakitang professor , pnapayuhan ang nanaginip na ‘huwag magdunong-dungan at ang mas mabuti ay mapagturo siya o kumuha ng kaalaman sa mga taong nakakahigit an talino o mas maraming alam kaysa sa kanya.Sa panaginip ,kapag may nakitang isang professor na parang nabubuhay na parang isang mahiwagang tao , ang nanaginip ay pinapayuhan na makipag-uganayan sa kanyang kinikilalang Diyos o kaya ay muli niyang pag-aralan ang mga katuruan at kautusan ng kanyang kinaanibang simbahan.Sa huling panaginip mo na umiyak ang nanay mo na matagal ng patay ay nagsasabing hihangad niya na ikaw ay sumaya at maging maligaya kaya lang nakikita niya na nanatiling hindi mo binabago ang mga pananaw mo kaya ng saya at ligaya ay parang hindi mo pa makukuha.Kaya dito rin sa huling panaginip mo , walang sinasabi na mamamatay ka na! Kaya lang may patay rin naman saiyo at ito ay ang dahil ayaw munang bigyang buhay ang posibilidad na lumigaya ka , ibig sabihin , pinatay muna ba ang pag-asa na mabuhay ka na maligaya? Ito rin ay itinatanong sa mga babae at lalaking ayaw ng magsipag-asawa.