top of page

  Kapag ang tao ay nababagot na sa kanyang buhay , siya ay walang pagdududa na mananagnip na siy ay nagbi-biyahe , sa bus , sa jeep at minsan pa ay sa pamamagitan ng mga motorclyceles. Dahil dito , ikaw ay pinapayuhan na suriin mo ang mismong buhay mo sa ngayon , nababagot ka ba? Inaakala mo bang parang hindi umuusad ang Gulong ng iyong Kapalaran? Sobrang naiinip ka na ba sa mga katuparan ng iyong mga pangarap? Dama mo bang ang buhay dito sa ibabaw ng lupa ay parang walang kabuluhan? Alam mo , kapag hindi napaglabanan ng tao ang pagkabagot , makakaranas siya ng mga hindi niya inaasahang maling pagkilos. Gaya ng madali siyang magalit , , mainis at siya ay napapaaway ng dahil lang sa mga wala namag kwentang bagay. May mga pagkakataong siya a nagkakaroon ng tinatawag na erratic behaviour na kung saan , hindi tumatama ang kanyang mga pagkilos , nagkakamali siya at kadalasan din ay hindi sinasadya na nakakasira siya ng sarli niyang mga gamit. Pero hindi naman mahirap na labanan ang pagkabagot , kumbaga , madali lang naman ang mga solusyon , gaya ng mga sumusunod na rekomendasyon; a) Isuot mo ang iyong paboritong damit. Mahirap ba yan ? Hindi na hindi naman? Gawin mo ay makikita mong biglang –biglang sisigla ang buhay mo. b) Awitin mo ang paboritong kanta mo. Oh , ‘di ba madali lang din yan? At tiyak na sasaya ka at baka nga ikaw pa ay mapahalakhak. Bakit nga ba pwede kang mapahalakhak ? Dahil ang taong nababagot , sa totoo lang , ang kanyang boses ay kakikitaan din ng pagkabagot kaya ang kanyang mga unang pag-awit ay pangit ,suntunado at wala sa timing ng tutog at ng mismong awit. Pero hind kalaunan kapag hindi siy tumigil ng kaaawit sa paborito niyang musika , biglang makukuha niya ang tamang timplada at ‘yon, siya ay sasaya kasabay ang malakas na pagtawa. c) Kumain ka ng matatamis , pero konti lang ‘yon bang kapiraso lang na ikaw ay matatakaw. Huwag mong ubusin , dahil kapag naubos mo , hindi masusulusyuna ang pagkabagot mo baka nga lalo ka lang na mabagot. d) Halungkatin mo ang mga lumang gamit mo! Itapon muna ang mga walang kabuluhan para saiyo . Itira mo lang ang mga bagay na may pakinabang pa. Kapag ginawa mo ,makikita mo gagaan ang pakiramdam mo. e) At bilang panghuli , sundi mo ang mismong napanaginipan mo ,sumakay ka ng bus , jeep o iba klase ngsasakyan , ibig sabihin ,mamasyal ka medyo malayo dyan sa inyo. Gawin mo ng sa ganun ay makadama ka ng ginhawa. f) Meron pang isa , sana sundin mo rin , ang huwag na huwag kang titingin sa mga pangit dahil ang taong nababagot kapag naka-encounter ng mga pangit , lulala ang kanyang pagkabagot. Kung sakaling hindi ka makaiwas na mapatitig sa mga pangit , ang rekomendasyo ay ang hahapin mo sa kanya ang ilang sa tagla;y niyang ng magagandang katangian. Bilang tulong ko saiyo , alam mo , may mga bahagi ang tao na kahit ano pa ang kanyang hitsura ang mga ito ay nanatiling maganda. Gaya ng ibaba ng leeg , itaas ng braso , ang bahagi na nasa pagitan ng ilong at ng labi o bibig at ang bahagi ng hita na nasa itaas ng tuhod. Titigan mo ang mga ito pero sandali lang kumbaga ,mabilis na pagtitig lang , Dahil sa isang sulyap sa mga bahagi ng katawan ng tao na nabanggit ay sapat na para ang pagbagot ay malunasan. Hanggang sa muli, Professor seigusmundo del Mundo.

Kapag ang tao ay nababagot na sa kanyang buhay

bottom of page