EVILMERODAC
I'm Ngayon naman ay ang pagtutunan natin ng pansin ay ang hiling mo na mga orasyon o bulong na may kapanyaribang ibalik saiyo ang asawa mo na pinalayas mo.Ang mga orasyon o mga bulong ,iha , ay ang banal na panalangin o mga bulong nga espirito ng tao na nakatuon sa isa pang mas makapangyarihang espirito at ito ang ay mismong Banal na Espirito na sa mga kristinayano ay ang Espirito Santo.Magkaganunman , tayong mga Pinoy , marami pagkakamali sa mga paniwala sa mga orasyon . Una na dito ay ang inaakakala ng marami nating mgakababayan na nagsasabing sila’y may mga kapangyarihan sa orasyon pero ang mga inaakala nilang kanilang mga orasyon ay hindi naman talaga mga orasyon , kundi ang mga ito ay ang tinatawag na Mantra mula relihiyong Hinduism.Ang mga Mantra ay hindi mga orasyon , Ito ay binubuo ng mga Banal na Pangalan ng mga espirituwal na personalidad sa relihiyong Hinduism. Sa mantra walang hinihiling na kahit na ano dahil ang mga ito nga ay hindi naman mga panalangin. Ang mga tunay na orasyon naman ay mga panalangin na nangangahulugan na mga pangungusap na ang kinakakusap ay ang Diyos na Makapangyarihan at ang mga santo na pinaniniwalaang mga buhay pa na nasa Langit na may kakayahang tulungan ang mga nasa lupa o ang mga wala sa Langit. Ang sinasabing “wala sa Langit “ ay nangangahulugan din na wala sa lupa dahil nasa ibang lugar.Sa mga orasyon binabanggit din ang mga “Ngalan ng Diyos o ng Makapanyarihang Espirito dahil binabanggit lang ang isa pang kahulugan ay bahagi lang ng mga orasyon ang ngalan ng Diyos. Samantala sa mga Mantra ng Hindu , pure Name of Divine Power ang inuusal=usal. Kumbaga wal ang iba pang mga salita na binibigkas dahil nga ang lahat ng sasabihin ay mga pangalan lang ng Diyos.Ang mga orasyon sa paningin ng mga Pinoy na hindi naman talaga maalam sa mga pang –espirituwal na karunungan ay nag-aakala rin na ang mga orasyon ay kailangan na mula sa salitang Latin. Hindi naman natin sila masisisi dahil may bahagi sa kasaysayan ng Inang Simbahan na ang lahat ng dasal o prayers na opisyal an ginagamit ng Simbahan ay dapat na nasa wikang Latin.Isang bahagi lang ang ganung katuruan sa kasaysayan ng Simbahan at sa paglakad ng mga panahon ang mga wika sa dasal o mga panalangin ay ginagamit na rin ang iba pang mga wika na ang unang basehan ay ang wikang nauunawaan ng magdadasal. Sa madaling sabi , kapag Pinoy ka , wikang Pinoy ka magdasal. Hindi naman mahirap na tanggapin na ang ganitong katuruan ay higit na mas may bisa kaysa sa mga naunang mga aral .Dahil kung magdadasal ka sa wikang Intsik pero hindi ka naman isang Tsino dahil ikaw nga ay Pinoy , malalagay sa alanganin ang iyong mga panalangin. Kaya kapag ang Pinoy ay nagdasal sa wikang Latin na ang mga salitang kanyang gagamitin ay hindi naman niya nauunawaan ang mga ibig sabihin , baka hindi rin niya maunawaan ang magiging resulta ng kanyang mga panalangin.Ngayon nabigyan na kita ng paglilinaw sa mga katuruan ng iyong Simbahan bilang isa kang kristiyano , malaya ka na sa mga pamanhiin na kaugnay ng mga orasyon na ang nag-oorasyon ay hindi naman nauunawaan ang kanyang mga ino-orasyon.Ang mga bulong naman sa mahigpit na kahulugan ay mga galaw ng dila o pagsasalita na walang mga malinaw na letra. Hindi ito rin ito isang orasyon at hindi rin ito mga mantra , ito ay ang banal na pagpapahayag ng espirito na nasa tao kaya ang nagsasalita mismo ay ang espirito na nasa loob nga ng tao na kaya hindi maintindihan ay dahil nga walang nakakaunawa sa mga salita o wika ng mga espirito.Kaya makikita o madidinig na ang taong nakaaabot sa pinamataas na espirituwalidad ay bubulong –bulong.Mayroon pang higit na nakaabot sa mas mataas na espirituwalidad pero hindi na natin muna pag-uusapan ang mga ito upang mabigyan daan natin sa ngayon ang orasyon o panalangin para ang iyong asawa ay mabalik saiyong kandungan.Dahil nga sa ang orasyon ay mga panalangin ang dapat mong pakinggan ay ang iyong kinikilalang si Lod Jesus Christ , sabi Niya , “Ganito ka mananalangin,Ikaw na tao.” Ang ibig sabihin ng Dakilang Guro ay ganito ka mag-o-orasyon! “ Ama namin sumasalangit ka……!” Palagay ko ,alam muna ang kasunod ! Alam muna ,’di ba? Pagdating sa “Sundin ang kalooban dito sa lupa at maging sa Langit.” Marllyn , palitan ng mga salitang “Sundin mo po ang kalooban ko , ibalik mo pa nawa sa akin ang asawa ko!” Dasasalin mo ang Ama Namin ,hanggang sa huling salita nito. Amen.Sa iyong panalangin ,kapag ipinalanagin mong “Sundin ang kalooban Mo!” Ibig sabihin ,Siya na iyong Diyos na kinikilala ang masusunod at hindi ikaw! Kaya kung babalik ba saiyo ang asawa mo o hindi ay ang magpapasya ay ang Makapangyarihang Langit. Hindi kita inu-obliga na gawin ang orasyon na itinuturo ko saiyo ngayon , ibinabahagi ko lang saiyo ang mga karunungan may kinalaman sa mga makakapangyarihang mga panalangin.