top of page

I'm Ginagamit ang mga paa para marating ang pupuntahan. At ang dalawang paa ng tao ay sinisimbolo ng dalawa rin malakas na pwersa na ginagamit niya para makuha niya ang anumang gusto niya sa kanyang buhay.Ang kaliwang paa ay sinisimbolo ng emosyon o damdamin at ang isa pang paa o ang kanan ay sinisimbolo ng isip ng tao. Ang mga taong nagtatagumpay sa kanyang ambisyon ay dapat na balanse ang dalawang pwersang ating pinag-uusapan. Kapag hindi balanse o hindi magkatimbang, malabong siya ay magtagumpay.At kapag hindi timbang ang mga pwersang ginagamit ng tao , ibig sabihin , siya ay may pag-aalinlangan. Kapag ang kaliwa ang maliit , maliit lang din ang damdamin na makikitang gamit niya at kapag ang kanan ang maliit o maiksi , hindi niya talaga gusto ang kanyang ambisyon , kumbaga , ang pag-aalinlangan ay nasa isip niya.Ang dalawang pwersa ay isang negatibo at isa positibo. Sa buhay ng tao ,dapat na magkasing lakas ang dalawang ito. Dahil ang anumang hindi pagkatimbang ay maaaring magresulta sa kasawian o kabiguan.May iba na nadidinig tayo na dapat daw ay positive lang ang laman ng ating pagkatao , ito ang isang malaking pagkakamali na ginagawa ng mga tao. Ganundin kapag puro negative lang ang nasa atin , kasawian at kabiguan lang ang ating aanihin.Alam mo ,iha , kahit kanino ka magtanong na dalubhasa sa agham o siyensa o mga daluhbasa sa karunungang at kaalaman tungkol sa pagkatao ng isang indibiduwal ,sasabihin nila saiyo na walang bagay dito sa mundo na hindi binubuo ng dalawang pwersa na isang negative at isang positive.At kapag may nakita kang isang tao na nagsasabing puro positive lang ang kailangan ,asahan mo siya ay nagdunong –dunungan lang ,kumbaga , hindi niya naiintindihan ang batas ng agham at ng tunay na karunungan. Oo ,may mga taong nagsasabi sila puro positibo lang , pero , bilang pagtatapat siya ,ang mga taong iyon,sa maniwala ka o sa hindi , ay pinagtatakpan lang nila ang kanilang pagiging negatibo. Kumbaga ,sila ang mga nasa unahan ng mga taong negatibo kaya malabong sila ay magkaroon ng kaligayahan sa kanilang buhay.Para makuha ng tao ang kanyang ina-ambisyon, ang sabi ,kailangan an ibigay natin ang ating emosyon at isip. Kumbaga , hindi sapat na emosyon lang ang ating ggamitin at lalong hindi pwede na isip lang ang ating pagaganahin. Dapat laging dalawa , isang negative at isang positive at dapat din tulad ng nasabi na ang dalawang ito ay kailangang magkasing-lakas.Sa ganitong pananaw , palagay ko alam muna kung bakit hindi magkasing –laki ang iyong mga paa sa panginip mo at bilang pagbibigay diin, hindi balanse ang iyong damdamin at isip sa mga nais mong gawin sa buhay mo.Ang kinagat mo ang isang bata sa iyong panaginip ay nagsasabing sinasaktan mo ang iyong parangap na gumanda mismo ang buhay mo. Kumbaga , natutulad ka sa isang scorpion na sa kagalaw niya ay nasusundot niya mismo o nasusugatan ng buntot niya ang kanyang katawan. Kaya ,ikaw sa ngayon ay makikitang nag-aalinlangan sa mga gusto mong mangyari sa buhay. At ikaw na rin mismo ang sumusugat sa pangarap mo kaya medyo magtatagal pa ang iyong pag-asenso hanggang sa matutuhan mo na kumilos ka na buo ang loob . Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng “buo?” Hindi kalahati kasi nga buo ay ang bumubuo sa lahat ng bagay , muli , aking sasabihin saiyo ay negatibong pwersa at pisitibong pwersa. Oh ,ayan , dapat alam muna ngayon na kalahati lang kapag isa lang.

I'kahulugan ng paa sa panaginip

bottom of page