top of page

Kadalasan ang mga humabol sa atin sa ating mga panaginip ay ang mga naging pagkakamali natin sa buhay. Ito rin ang mga karanasan natin na labis na nagbigay satin ng sakit sa kalooban. Ito rin ang mga kabiguan na sa tunay na buhay ay paulit –ulit na nagbabalik sa ating aalala.Meron ding mga nagawa tayong mga pagkamali sa buhay natin pero hindi na nakakasama sa ating mga panaginip kapag ang mga pagkakamaling iyon ay natanggap natin na tayo nga ay nagkamali. May mga karanasan din tayo na hindi na rin humahabol sa atin kapag ang mga karanasan iyon ay natanggap na rin natin na tapos na iyon at hindi na natin uulitin. May mga kabiguan tayo na ganundin , tanggap na natin na nadun na iyon kaya tapos na rin ang mga iyon.Ang mga humahabol naman sa atin ay ang mga pwede pa nating itama ,ituwid at isaayos. Pero hindi araw –araw ay hinahabol tayo ng mga ito sa ating mga panaginip . May mga panahon na ang mga ito ay ating mapapanaginipan kapag muli mauulit sa atin ang mga ganundin mga sitwasyon.Kapag ang isang babae ay niligawan ng isang binata ay dahil gustong –gusto rin niya ang huli agad niyang sinagot. At dahil sa mabilis niyang sinagot ang manliligaw nya , mabilis din natapos an kanilang relasyon. Kaya siya o ang babae ay nagkamali at ang kanyang pagkakamali ang bakit ba mabilis siyang nakuha ng may kursunada sa kanya?At kapag muli may nanligaw sa kanya , walang pagdududa , may hahabol sa kanya sa kanyang panaginip. Kaya siya mananaginip ng ganito , dahil siya mismo , kung susuriin niya ang kanyang sarili ay aaminin niya na labis siyang nag-alala na baka muli siyang magkamali.Ang mga pangit na karanasan at mga kabiguan ay inilalarawan din ng mga panaginip na ang nanaginip ay hinahabol kapag sa tunay na buhay ay muli tayong mahaharap sa katulad na pagkakataon. Kaya kapag muli nagbalik sa buhay ng isang babae ang pagkakataon muli siyang niligawan ng lalaking gusto-gusto niya , dapat ay hindi niya basta –basta ibibisto na siya rin ay inlove na inlove. Kapag muli niya nakaharap ang pagkakataon na naging sanhi ng pangit niyang karanasan , dapat na isabuhay niya ang mga natutuhan niyang aral sa buhay mula sa kanyang mga naranasan. Kapag ang mga pangyayari sa buhay niya ay nakita niya na pwedeng maging dahilan na muli siyang mabigo , dapat ay maging listo siya para nasulusyunan na niya .Alam mo ,iha , kapag hindi pinansin ng nanaginip ang ganitong klase ng mga panaginip , tiyak na tiyak na muli at muli siyang mamamali. Alam mo ,iha , mapalad ang tao dahil siya ay binibigyan ng kakayahang na muli niyang iguhit ang kanyang sariling kasaysayan. Kaya , nasa saiyo , gagamitin mo ba ang pagkakataon na muli mong ire-write ang mismong buhay mo, o , hahayaan muna na lang ba na ang mga takot mo ay nanatiling nasa saiyo. Maaaring sa ngayon , lito ka pa at tulad ng sabi mo , labis kang nag-aalala. Pwedeng hindi ka muna makakilos na parang bang wala kang kakayahang labanan ang mga takot mo’t pangamba. Magkaganunman , kahit ano ka pa sa ngayon , lagi rin naman nandya-dyan ang sinabi kong kakayahan ng tao na itama ang mga nagawa niyang pagkakamali. Kung hindi sa ngayon ,pwede rin naman bukas o sa ibang panahon , ang mahalaga ay alam

humabol sa atin sa ating panaginip

bottom of page