top of page

 

 

Saiyo Jhen L. N.,

        Kaya nanghihina loob mo dahil hindi ka pa nakakatakas sa mga pamanhiiin  na umalipin s aating mga Pinoy na napamana sa atin ng mga nauna sa atin.  Dalawang malaking pwersa sa ating kasaysayan ang pinanggalingan ng mga paniniwalaan natin mga  negatibong  kasabihan.

          Ang una ay ang mga Kastila , malaki ang impluwesya nila sa buhay ng ng Filipino , sila ang nagturo sa atin ng mga sugal lalo na ang mga sugal na gumagamit ng mga baraha o playi cards. Sila rin ang nagturo sa ating ng Jueteng , kaya nga sa pangalan pa lang ng sugal na ito ,mapapansin mo mula sa mga Kastila. Ang iba pang sugal sa kanila rin nagsimula ,gaya ng binggo na ngayon ay naging lotto.

           Nakita ng mga Kastila na ang ating bayan ay maraming kayamanan  , kaya minabuti nila na turuan tayo na magsugal para habang tayo’y nagsusugal , sila ang nakikinabang sa ating yaman. Kaya yang sinasabi mo na malas ang numerong 8 , sa mga kastila yan nagmula. Dahil kapag 8 ang baraha mo at ang paniwala mo ay malas ang Otso , kukuha ka pa ng isa , kasi nga , akala mo malas ang Otso. Kaya kapag bumunot ka pa ng isang baraha ,  mas malamang na matalo ka pa . Pero kung hindi mo paniniwalaan na malas ang Otso , mas malamang ikaw ang manalo.

              Kaya , ngayon , Jhen , alisin muna sa isip mo na malas ang iyong numerong Otso para manalo ka sa mga hamon ng kapalaran mo.

               Ang  paniwala namang  dahil pilipit ang larawan ng numerong 8 kaya hindi aasenso ang taong Otso ay mula naman sa tsino. Mula sa mga mandaragat na mga Tsino na may mg dalang paninda , nakita nila na ang mga Pinoy nagsusugal habang hihintay na dumaong ang kanilang mga barko , doon nila unang nakita ang mga Barahang Kastila partukular na numerong 8. Nakita rin nila pero hindi nila pinahalata na ang mga Pinoy madaling mapaniwala ,kaya ang sabi nila sa anyo palang ng numero 8 na parang pilipit , nagbabala ng hirap at pasakit.

           Sa biglang tingi , may mga basehan kaya hindi naman natin masisisi ang ating mga ninuno , saka ikaw ,ganundin , maunaawaan ka na rin kung bakit naapektuhan ka ng nasabing paniwala.

              Ang lahat ito , lalo na ang mga karunungan Kastila ay nagmula sa tinatawag na Cabbala of Numbers , kumbaga , mula sa mga Mahiwagang  Pwersa ng mga Numero.  Kung hindi sana tayo  dinaya ng mga Kastila ang Katotohanan sa numerong Otso ang ating paniniwalaan sa ngayon.

              Ang Numero Otso ay isang kakaibang pwersa na kung saan ang may taglay nito ay hindi pwedeng harangan , pigilan o hadlangan. Nasusulat sa Cabbla of Numbers na kahit harangan man ng mga sibat ,ng mga Batong Malalaki atkahit pa umulan man ng  sobrang malalakas , ang Taong Otso ay hindi maawat.

              Nakita mo ba kabigla ang mga salitang nakaugnay sa numerong Otso ? Pero , dahil ito mismo ang petsa ng kaarawan mo , tiyak ko , alam mo na ito’y totoo. Dahil noong sobrang nakakontra saiyo ang mga parents mo , mga friends mo at iba pang malalapit saiyo , itunuloy mo pa rin ang gusto mo at nagtagumpay ka!

                Kaya ngayon , ganun muli , ang gawin mo , dahil sa buong buhay mo , iiral saiyo ang kahulugan ng numerong ito na nagsasabing  sa pagpupumilit at sa pangungulit , susuko saiyo maging ang makapangyarihang Langit.

hindi ka pa nakakatakas sa mga pamanhiiin  na umalipin sa ating mga Pinoy

bottom of page