EVILMERODAC
From Dust to Dust
''Kay laking walang kabuluhan, ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan. Sabi nang tagapagtipon''. Mababasa
Sa aklat ni haring solomon na maging sya, minsan sa buhay nya ay naging palaisipan sa kanya ang kasabihan na
''There is life after death''. Mababasa sya letra por letra na ang sabi.
" At ang lahat ay pumaparoon sa iisang dako, silang
Lahat ay nanggagaling sa alabok, at silang lahat ay bumabalik din sa alabok, sino ang nakakalaam sa espiritu
Ng mga anak ng sangkatauhan, kung iyon ay umaakyat ng paitaas, at ang espiritu ng hayop, kung iyon ay lumulusung pababa sa lupa? At nakita ko na walang mas mabuti kundi ang tao ay magsaya sa kaniyang mga
Gawa, spagkat iyon ang kanyang takdang bahagi; sapagkat sino ang magbabalik sa kanya upang makitakung ano
Ang mangyayari pagkatapos nya?"
Binasa ko ng paulit-ulit ang aklat nya, parang sinasabi nya na bakit kailangan mamatay ang tao gayon hindi
Naman lahat ay masama. Maaring ang sulat nya ay nakaratin sa langit at paglipas ng panahon ay sinagot agad
Ito ng ama sa langit sa pamamagitan nga ni Jesucristo. Sinagot nya ang tanong na ''maroong magbabalik upang
Sabihin kong ano ang mangyayari pagkatapos mong mamatay''
Mababasa rin letra por letra na sinabi ni Jesucristo na ang aral nya ay mas higit kaysa sa aral ni haring solomon. Bilang patunay na sinagot nang dyos ama ang mga tanong ni haring solomon. Kapag pinag-uusapan
Kung mayroon talagan buhay pagkatapos mong mamatay ay marami paring nag-aalinlangan aminin man natin
O hindi, darating at daratin ang araw sa buhay nating lahhat na hindi mo maiiwasan ang aral ni solomon.
Ang mga tanong na gumugulo sa isip nya ay tiyak na tiyak na itatanong murin sasarili mo. Dahil si haring solomon Mismo ang naghula nito. Mababasa sa huling bersekulo na aalalahanin mo ang dyos pagdating ng takip
Silim ng buhay. Dahil sya ay naghula nagpayo rin naman sya sabi nya, alalahanin mo ang dyos sa panahon ng iyong kabataan. Tulad din naman ng payo na mag-ipon ka habang panahon ng kasaganahan.
COMMENT:
Naku, iho, masyadong mataas ang katalinuhaan ni haring solomon para sa mga pangkaraniwang tao kaya marami ang hindi gaanong nakakaunawa sa kanyang mga isinasalita! Bilang halimbawa, ang siinabi niyang ''walang kabuluhan ang lahat'' ay sa totoo lang, walang kakuwenta kuwentang pangungusap!
Oo, iho, walang kabuluhan ang kanyang mga sinabing yun! Tingnan mo, kapag walang kabuluhan ang lahat, ang ibig sabiin nito ay ang bibig o dila ay walang kabuluhan. At ang mismong mga salita ay wala ring kabuluhan at dahil ang binangit ni haring solomon ay ''lahat'', ibig sabihin, kasama ang sinabi nyang ''walang kabuluhan ang lahat .'' Kaya, walang kabuluhan ang mismongg nabangit nyang pangungusap!
Tungkol naman sa life after death, ang namamatay lang iho, ang mga may kamatayan, kumbaga, si kamatayan ay walang kakayahang patayin ang hindi namamatay. Kaya ang mga nababasa mo na ang tao ay babalik sa alabok ay patungkol sa taong lupa, hindi ito para sa taong spiritu dahil ang mga ispiritu ay hindi namamatay.
Di ba, malinaw naman na ang taong lupa ay babalik sa alabok at ang spiritu ay hindi alam kung saan mapupunta? Kapag sinabing hindi kung saan mapupunta? Kapag sinabing hindi alam ang pupuntahan, hindi puwedi na sabihin ang nagsalita na iyon ay patay narin. Dahil sabi nga niya, hindi nga nya alam.
Pero hindi naman mahalaga kung alam niya o hindi dahil ang isa pang malinaw ay ang ''huwag kayong matatakot sa pumapatay'' ng katawan pero hindi nakakapatay ng kaluluwa! Diba, ang ibig sabihin nito ay patay ang lupang katawan pero ang kaluluwa ay buhay?
Magkagayun man, kahit naman maging alabok ang katawang lupa, hindi ito nangangahulugan na there is no life afterdeath dahil ang alikabok na iyon ay magiging bahagi ng buhay na halaman. Kaya kapag nakakain ka ng matamis na prutas, diba, ang lupang katawan na naging alikabok ay muling nabuhay at naging matamis na bunga
Ng halaman?
Ang iba namang kakain ng mga isda kapag bumili ka ng lapu-lapu na sobrang mahal o matataas ang presyo na pang mayaman lang, ang lupang , ang lupang katawan na naging alabok na napunta sa dagat, ngayon ay naging bahagi na ng lapu-lapu na ang naging halaga ay hindi matatawaran.
Ito ay maaring maganap kahit sa mga namatay na na ang naging buhay nila sa nakaraan ay walang kuwentang buhay, kaya hindi nagwawakas sa pagiging alikabok ang buhay ng katawang lupa, umaangat ang kanyang level sa mas mataas na kalagayan dahil ang isa sa batas ng katalagahan ang lahat ay papasulong hindi papaatras.