top of page

I'ng buhay ,iho , dito sa mundo ay walang katapusang pag-aaral. Kaya nga madidinig natin na ang graduation ay isa ring hudyat ng panibagong pag-aaral. Pero may mga taong ng makagraduate na ayaw ng mag-aral pa sa eskwelahan ng buhay , pero ang ganong mga tao ,iho, ay mapapabilang sa mga baubuhay lang pero walang mga pangarap.Kaya sila rin ay mapapasama sa tauhan lang at sa mga mababang kalagayan sa buhay. Sila ri ang tatapak-tapakan ang kanilang kapwa , gagamitin lang sila sa layunin ng iba ,at sila rin ang makikitang labis na naapi ,nasasaktan at mga luhaan. Samantala , ang mga patuloy na nag-aral sa eskuwelahan ng buhay ,oo , makakaranas din sila n ganoong masaklap na karanasan pero hindi magtatagal sila na ang nasa ibabaw.Narito , iho , ang mga dapat mong matutuhan ayon saiyong mga napanaginipan;Kung ano ang kaalaman , gamitin mo! Kaya , dahil sa nakatapos ka ng High School , mamasukan ka o magtrabaho ,kahit hindi ka nakapag-kolehiyo. Ayon sa panaginip mo buhay pa ang ningas ng iyong hangarin makapagpatuloy pa n schooling , kaya , kahit na medyo mahirapan ka sa pinansyal na aspeto , sikapin mong makagpag-aral pa. Pangkaraniwan collage ang nasa isip pagkagraduate ng High school , pero ang panaginip mo wala naman binabanggit na kolehiyo kaya , pwede ka rin naman sa mga kursong hindi pangkolehiyo.Malaki ang pag-asa mo na umasenso ,ito ang mensahe ng panaginip mo. At sinasabi rin na kapag namasukan ka , aangat ang pwesto mo ,kumbaga, sa una ay mababa pero hindi magtatagal hahangan ng mga bossing mo dahil sa talino mo.Malaki rin ang tsansa mo na mabait ang maging amo mo kaya ang pwedeng bigyan ka ng pagkataong mag-aral habang ikaw ay nagta-trabaho.Ang panaginip ay para sa mga taong magkakaroon ng magandang buhay-pamilya. Kaya , ang paunang balita ay gagawin mo ang lahat ng paraan upang mapag-aral mo ang iyong mga anak. Kaya , darating ang araw na ikaw ay magiging huwaran ng mga kapwa mo magulang.Sa ikalawang panaginip , ang payo ay nagsasabing lumayo sa mga barkada na mga walang pangarap sa buhay, ang sabi rin ng panaginip pililin mo lang ang iyong mga kaibigan. At huwag sayangin ang mga oras samga walang kwentang bagay.At ang huling panaginip mong ay nagbabalita rin na pwedeng pwedeng makapag-abroad ka. Kaya , kahit na may pag-aalinlangan ka dito sa sinabi , mas mabuti na kahit paano ay ayusin muna o ihanda ang mga pangkaraniwang mga requirements sa pag-aabroad. Ito ay upang kapag nakita muna ang mga paunang palatandaan sa buhay mo na ikaw ay pinag-aabroad na ng iyong kapalaran ay hindi ka na mahirapan pa sa pag-aasikaso ng mga papeles mo.At kahit saan ka makarating mong mong kakalimutan na dito sa lupa , ang buhay ay walang katapusang pag-a-aral.Kaya , ngayon pa lang , sana’y pag-aralan mo ang mga sinasabi ko saiyo ngayon na posibleng maranasan mo mismo sa buhay mo upang makatiyak ka na, sa huli , aani ka ng mga karangalan para sa mga taong nagtagumpay sa kanilang buhay.Hanggang sa muli,Professor Seigusmundo del Mundo.

I'dito sa mundo ay walang katapusang pag-aaral

bottom of page