EVILMERODAC
ayon sa pagsasaliksik at sinabi ng pari dito sa amin. may tanong sya, ''bakit tila mas sinusuwerte pa o mas pinagpala yung mga taong hindi naman palasimba kaysa sa palasimba?''
pansin nyo rin ba iyon? ang sagot ng pari na kinuha nya sa aral mismo ng Vatican. yun nga ang ''Trancend'' sa pagkakatanda ko, sabi hindi lang sa panahon ng kasaganahan kaya ka nananampalataya.
binalikan ko yung alaala noong mga unang araw ng pagsimsimba ko, ang nasa isip ko noon kaya ako nagsisimba ay para sa pagpapalang material na bagay. tungkol sa pagbalik ng alaala, balikan natin ang panahon ng lumang tipan noong panahong derektang namamahala ang Diyos sa bayan nya.
hindi ba noon ay talagang pinagpapala nya sa material na bagay ang mga lingkod nya? diba mayroon kuwento na nakipargumento si Satanas sa Diyos tungkol sa pagpapalang material na pinagkakaloob ng Diyos sa mga lingkod nya.
yung kuwento tungkol ka Job, sinabi ni Satanas na ''kaya lang naman naglilingkod yan ng tapat dahil sa pagpapalang ipinagkakaloob ng Diyos''
at pagkatapos ay dumating naman ang panahon ng bagong tipan sa derektang pamamahala ng Panginoong Jesukristo hindi lang para sa bayan ng Diyos.
sa mabilisang paliwanag ni Jesukristo tungkol sa pagpapala ganito ''magkaiba kung gaano kalaki ang bahay mo at kung gaano karami ang kuwarto mo sa langit. kungbaga magkaiba ang usapang pagpapayaman sa usapang pang espiritual.
kung gusto mong malaki ang bahay mo sa langit, eh di ipamigay mo ang lahat ng material na yaman. ang dalawang bagay na ito ay magkakontra, kumbaga hindi dapat pagsamahin.