top of page

I Sa mga dalaga , ang pagbubuntis ay syempre ayaw nila . Dahil alam naman nila na ang ganito ay kasiraan sa kanilang pagkatao. Kaya lang minsan hindi naman naiiwasan na sila ay mabuntis dahil sila ay nakikipagtalik. Magkaganunman , hindi man dapat , kanila na ring natatanggap! Dahil sa pagmamahal kaya sila ay nagkakaanak. Ayon sa panaginip mo , pwedeng mangyari saiyo ang mismong napanaginipan mo na ikaw ay magka-baby , dahil nagmamahal ka at ang isa pa matapang ka! Ang Tapang , ayon sa marami , ay isang positibong katangian , kaya nga ang Duwag , ay negatibo ang dating! Pero ang Tapang minsan ay negatibo din naman. At ang Duwag minsan sa may magandang pakinabang.Hindi dapat na gamitin ng dalaga ang kanyang tapang kapag ang pakataya ay ang kanyang pagkababae. Mas maganda ang naduduwag kapag ang panganib na kanyang kaharap ay pwedeng sumira sa kanyang kinabukasan. Kaya nga sa aspetong pang-moralidad higit na mas mabuti na ang dalaga ay duwag. Kapag duwag , iiwas sa mga banta ng tukso! Kapag duwag sususunod sa payo ng mga kaibigan , magulang at sa mga taong may alam. Kaya ang mga duwag hindi mga pangahas , hindi mahilig na makipagsapalaran at kapag duwag ayaw na magkamali. At kapag duwag takot na magawa ng kasalanan. Kapag naman ang babae o dalaga ay nagka-problema ng dahil sa siya ay matapang , kailangan na huwag na rin niyang bitawan ang kanyang tapang bagkus dapat nga ay lalo siyang magpakatapang. Dahil sa kailangan an niya ang lahat ng kanyang tapang sa paghanarap niya ng mukhaan sa kanyang mga nagawang kamalian.Ayon sa panaginip ,magtutuloy-tuloy ang tapang mo ! Hindi mo aatrasan ng mga hamon ng kapalaran na patuloy pa sasaiyo. Mag-isa ka lang at malayo sa mga mahal sa buhay, lalaban mo ang mga pagsubok sa buhay mo, ito ang masasalamin na nasa isip mo.Sasabihin mo sa sarili mo, “Hindi naman ako nag-iisa sa ganitong problema , may nauna na sa akin na nagkaganito rin ,kung kaya nila ,kaya ko rin!” Pero ang totoo , hindi ka naman nag-iisa dahil nga kasama mo palagi ang tapang mo.At bukod sa tapang na laging nasa babae o dalagang may anak ,ang isa pa sa na lagi niyang kasama ay ang pagmamahal nila sa anak nila. Sa pagmamahal ng babae sa kanyang anak , ang kanyang pangarap din sa anak niya ang magsisilbing lakas niya. Kaya lalo pa siyang magsisikap hangang sa gumanda ng gumanda ang kanilang buhay na mag-ina.Magkaganunman ang tapang na nasa babae sa ganitong kalagayan ay hindi nangangahulugan na hindi na siya maduduwag. Dahil ang Tapang at Karuwagan ay laging magkakambal upang makamit ang tunay na kaligayahan. Sa panaginip mo , sa kabila ng may tapang ka , nandun pa rin ang karuwagan mo , kaya malaki ang tsansa na ikaw ay lumigaya. Dahil ang bunga ng magkakambal na katangian na tapang at karuwagan sa panaginip mo ay may magandang larawan , dahil ito mismo ang baby mo na nagkorteng puso.Hanggang sa muli,

Ang Tapang , ayon sa marami

bottom of page