top of page

I  Ang mga bata sa panaginip ay simbolo ng mga pangarap! Pero hindi ito ang mga pangarap na “wish ko lang” dahil ang mga ito ay mga pangarap na pwedeng –pwedeng magpaganda sa buhay ng nanaginip. Ang “Wish ko lang” ay pangarap din pero mga pangarap na alam ng nangarap na maliit lang ang tsansa na matupad. Sa pangarap naman na sinimsimbolo ng bata , alam at naniniwala ang nanaginip na ito’y pwedeng magkatooo. Pero sa panaginip mo , hindi talaga saiyo ang bata dahil may nagbigay , kumbaga,galing sa iba. Dahil ganyan ang naging takbo ng panaginip mo , mas malamang kaysa sa hindi na ikaw ay nakabilang sa mga ang mga pangarap ay “wish kong lang.” Kaya , ang mismong Langit bibigyan ka ng sarili mong pangarap. Dahil dito , magsisimula ng gumanda ang buhay mo dahil ikaw ay makikitang nangangarap at ang iyong mismon pangarap ang magdadala saiyo sa mas lalo pang mas magandang buhay.Yakapin mo ang pangarap mo , gaya ng pagyakap ng isang ina sa kanyang anak. Alagaan mo ang pangarap mo , gaya ng pag-aalaga ng magulang sa kanyang mga anak , mahalin mo’t ingatan ang iyong pangarap dahil ang mga walang pangarap , oo nga’t mga tao pa rin pero maihahalintulad sa nga dahon tinatangay-tangay ng hangin na kung saan –saan na papadpad hangang sa mahulog na sa kung saan –saan din.Bahay , ito mismo ang isa sa pwede mong pangarapin. Gusto mo ba ng bahay? Pwedeng hindi na kung may bahay ka na! Pero sabi ng panaginip may bahay ka man o wala , pwedeng magkabahay ka , kung papangarapin mo ito.Ang tulay naman kapag napanaginipan ay nagsasabing ang nanaginip ay bibigyan ng pagkakataong iwan ang kanyang nakaraan upang magkaroon ng bagong buhay.Ang hagdanan naman ay nangangauhulugan na siya o ang nanaginip ay pwedeng pwedeng makarating sa mas mataas na antas ng kalagayan.Ang hagdan at ang tulay , parehong simbolo ng pagbabago sa buhay ng nanaginip. Pero mayroon silang pinagkaiba. Sa tulay ang pagbabago ay sa aspetong pangkabuhayan , siya ay yayaman , siya ay magkakaroon ng maraming ari-arian na nagsasabing sasarap ang kanyang buhay. Sa hagdanan , ang nanaginip ay magkakaroon ng tsansang takasan ang mga kalungkutan , sasaya siya , magkakaroon ng kagalakan ang kanyang puso’t damadamin at siya ay makakadama ng tunay na ligaya.Dahil may tulay at may hagdan sa panaginip mo , ikaw ay isang masuwerteng tao , bibihira lang katulad mo , sigiuro , isa lang ang gaya mo mula sa libo-libong tao. Ang marami sa mga tao , angat sa buhay pero malungkot naman! Mayayaman at halos lahat ng bagay ay nasa kanila , pero yon nga , hindi naman sila masaya.Pero mayroon ilang at ikaw ay sa kanila mapapabilang na masarap na ang buhay ng dahil nasa kanila na ang lahat ng bagay at maligaya pang nabubuhay.Magkaganuman , muli kong ipapaala saiyo na ang pangarap ng isang tao ay dapat niyang minamahal tulad ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Ang mga pangarap hindi pwedeng mga salita lang na nagpapahayag ng gustong mangyari ng isan tao. Walang kabuluhan ang mga salita na walang kalakip na gawa. Dahil ang mga salita na walang pagkilos ay ibinabilang sa mga ingay lang at minsan para magandang pakinggan , sinasabing mga awit lang na masasarap pakinggan. Ayon sa panaginip mo , dumating na ang sandali na ikaw ay magkakaroon na ng tunay na pangarap , isang pangarap na magbabago saiyong buhay.Hanggang sa muli,Professor Seigusmundo del Mundo.

I'Ang mga bata sa panaginip

bottom of page