top of page

I Ang mga bagay na may kaugnayan sa Hangin o Air / Wind ay ang gaya ng mga sususunod;1) Larawan ng mga ibon na lumilipad! Kapag ito , iha , ay idinisply ng mga isinilang saAir Signs gaya ng mga Zodiac Signs na Libra, Aquarius at Gemini , mapapabilis ang kanyang pagpunta sa abroad.

 

 Kapag ang nagdisplay ay wala namang balak na mag-abroad dahil sa siya ay may edad atdito na lang sa atin gustong mabuhay , ang ibibigay sa kanya ng larawan ng mga ibon ay ang Kalayaan. Kaya siya ay magkakaroon ng karapatang magpasya sa kanyang sarili at gawin kung ano ang gusto niyang gawin.Para sa mga dalagang may boyfriend o babaeng may karelasyon na nahihirapan dahil sahindi magandang ugali ng kanilang partner , ang larawan ng ibon ay magkakaloob din sa kanila ng Kalayaan. Lalalakas ang kanilang loob at makakatakas sila sa hindi magagandang pagtrato sa kanila.Para sa mga may negosyo ang larawan ng ibon ay magiging dahilan ng lalo pang pag-unlad or pag-asenso.2) Ginagamit din pandiplay para sa mga isinilang sa Air Signs ang mga tinatawag na“Hanging Plants” o mga halamang nakabitin o nakasabit. Nagsisilbing lucky charms ang mga ito para sa mga isinilang sa Zodiac Sign na Libra ,Aquarius at Gemini.Ang mga magdaaan sa kanyang harapan o sa hamalang makasabit ay lihim namahahatakan ng mga suwerte at ililipat niya sa kung sino ang may-ari sa kanya o sa nag-aalaga sa halamang nasabi. Kaya kapag nadaan sa kanyang harapan o tabi ang isang mayaman , kukunin niya ang ilang suwerte ng taong mayaman at ito ay mapupunta sa nag-aalaga sa kanya.Ang isa pa sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga halamang ito ay ang kapag maysakit ang nag-aalaga sa kanya o taong nadidilig sa halaman , lihim na pagagalingin niya kapag may sakit sa pamamagitan ng paghigop ng halamang sa mga negatibong pwersang dahilan ng pagkakasakit.Nagsisilbi rin ang mga Hanging Plants na Tagapagbalita ng pagdating ng mga suwerte samay –ari at Tagapagbabala rin sa mga Kamalasan.Kapag ang halaman ay gumalaw ng marahan na parang nagsasayaw habang ang hangin ayhindi gaanong malakas o banayad lang ang may ari ay bubuwenasin. Kapag ang halaman ay gumalaw ng malakas o hindi maganda na kung baka sa nagsasayaw ay wala sa tono o hindi umaayon sa musika habang ang hangin ay banayad o katamtaman lang , ang may –ari ay pinag-iingat at dapat na alerto sa mga posibling sa kanya ay manloloko, kumbaga , nagbabala ang halaman ng mga hindi magagandang kaganapan.3) Ang mga maliliit na bagay gaya ng mga laruan na airplanes , baylerina o laruan naparang manika na babaeng nagsasayaw ay iniuugnay din sa Hangin. Ganundin ang mga instrumento sa musika ay mga pandisplay din para sa mga isinilang sa Air Signs at ang mga ito , kapag hinipo o nasayad ang balat ng mga nasa Air Signs ay nagsisilbing kanilang pampalakas , kumbaga , sila ay sisigla ,sasasaya at mawawala ang kanilang mga takot at kungkot.Marami pang mga bagay na pandisplay na may kaugnayan sa Hangin or Air/Wind ,pansamantala ,ang mga ito lang muna at inaasahan ko na makakatulong ito sa iyong mother ng sa ganun ay magkaroon siya ng maganda , masaya at masaganang buhay!

 

Ang mga  bagay na may kaugnayan sa Hangin

bottom of page