EVILMERODAC
I'mAlam mo ,iha , may mga normal lang na dapat na mangyari pero kapag ang maraming tao ay tatanungin hindi normal sa kanila ang ganun. Meron nga , takang –taka sa mga katotohanan pero kahit gaano pa karami ang magsabi na hindi tama ‘yon o hindi ganun ang dapat , hindi pwedeng baguhin ang normal o pangkaraniwang katotohanan.Ganito ang sabi ng lahat ng dakilang tao na lumitaw sa mundo, “ Ang daan ng tunay na kaligayahan ay ang daan na madilim ,masikip at mapanganib at bibihira ang nagdaaan dito.” Dahil lahat ng mga dakilang tao ay ganyan ang sinasabi , ito ,iha ,ang nakita nilang normal na proseso para ang tao ay lumigaya. Kaya lang syempre , sa marami hindi normal ang ganyang sistema . Kahit naman si Lord Jesus Christ ang ating tatanungin , ganyan din ang kanyang normal na sasabihin na ang daan ng walang hanggang buhay ay ang masikip at madilim na daan na kokonti ang dito’y lumalakad. Syempre , sasabihin ng marami , bakit magiging normal ang ganun ,eh, sino ang pipili sa daang mahirap na lakaran? Eto pa ,iha , ang pangkaraniwang sagot at tiyak na iyo na ring nadinig na ano ba ang sekreto ng pagpayaman o ng pagkakaroon ng successful life? Lahat ng nagsiyaman na at papayaman pa , nagkaka-isa sila na na ang key to success ay ang Hardwork. Normal ba na mahirapan muna ang tao bago siya yumaman? Ikaw ano ang sagot mo. Pwedeng hindi ang sagot mo, kaya lang , hindi ka yayaman. Kaya nga kapag hindi pinili ng tao ang masikip , madilim at mahirap na lakarang landas ng buhay , malabong siya ay magkaroon ng kaligayahan , maunlad na kabuhayan at ng mismong buhay na walang hanggan.Sa panaginip na nagdaan kayo sa isang weird na sapa o sa o para ilog na lumalamin ang tubig na parang natakot ka ay nagsasabing,mapalad ka ,Joan, dahil binigyan ka ng pagkakataong lumakas sa daan ng buhay na kung saan ay pwedeng –pwede kang lumigaya na matupad mo ang iyong mga pangarap.Sa pagdaan mo sa tamang daan , lagi mong ilagay sa isip mo na ang normal lang sa tao na siya ay maging isang sanggol gumagapang na natatakot na mag-isa na umiiyak na hiahanap ang kanyang ina , sa kanyang paglaki, normal din na mapaso siya kapag hinawakan nya ang mainit na bagay , masugatan siya habang naglalaro na maumpog ang ulo niya at mapagalitan ng kanyang mga magulang ,lahat ng ito, iha ay normal lang sa buhay ng mga tao at kailangan na tayong ay magdaan sa ganitong proseso ng buhay.Tandaan at huwag ring kakalimutan na hindi normal ang batang lumaki ng hindi nakatukim ng hirap at dahil hindi normal ang kanyang buhay ,asahan muna na ang matinding lungkot ,kasawian , kapahamakan at kabiguan ay aanihin niya dahil ito ang kapalit ng hindi normal na buhay.Takot ka bang mahirapan ? Syempre , Oo ang sagot mo. Ang takot ay normal din ,iha ! Naduduwag ka rin ba na parang mabibigo ka sa mga pangarap mo? Syempre , Oo ang sagot mo . Ang karuwagan ay normal din sa buhay ,iha. Pinaghihinaan ka ba ng loob ? Syempre Oo ang sagot mo, bakit kasi nga ,iha , ikaw ay normal na tao.Magkaganunman ang takot ,karuwagan at ang panghihina ng kalooban ay naranasan lahat ng mga taong nagin