EVILMERODAC
I'mTugmang –tugma sa Firetype na nilalang ang iyong photo. Kumbaga , kinukumpirma nito na ikaw ay may Zodiac Sign na Aries at ang elementong Apoy ay nananahan saiyong katawan.Apoy , iha , ito mismo ang gumagabay saiyong buhay. Na ang isa pang ibig sabihin ay hindi kailam ma mauuubos ang ningas ng iyong pag-asa na ikaw ay yumaman ng yumaman hanggang sa ganap kang mayaman.Kapag ang tao ay pinanahanan ng elementong Apoy , ang laman ng isip niya ay kung paano uunlad pa. Kapag ang tao ay may Apoy sa kalooban , ang mga pagsubok sa buhay ay hindi niya aatrasan. Kapag ang Apoy ay naghari sa tao , hindi pwede na hindi niya makuha ang anumang gusto niya sa buhay.Ikaw at ang Apoy ay iisa. Kung paano sumisiklab ang apoy , ganundin din ang pagsiklab ng iyong damdamin. Kung paano ang apoy ay likas na mainit ,ikaw rin ay isinilang na may init ng pag-asenso. Kung paano ang apoy ay lumalaganap ang iyong kasikatan ay ganundin ,lalaganap sa maraming lugar , kaya ikaw ay mapapabantog na nagsasabi ring marami ang saiyo ay hahanga.Habang ikaw ay buhay , ang apoy mo ay pwede mong pakinabangan anuman sandali o anumang araw. Dahil dito ,naririto ang ilang batas ng kapalaran na pwede mong subukan upang ang apoy mo sa katawan ay iyong mailabas.Apoy ang tawag sa nakikita mong liyag mula sa nasusunog na bagay . Ang apoy sa larangan ng sikolohiya ay katumabas ng salitang paghahangad. At ang paghahangad ay iniugnay sa pagkakaroon ng mga materyal na bagay. At ang mga materyal na bagay ay , ’di ba , mga kayamanan?Bilang pasimula at ito na rin ang iyong pagsasanay , sa pagkakaupo mo sa silya , luminga-linga ka at magahanap ka ng isang bagay na sasabihin mo , “Gusto kita!” Dahil gusto mo ang bagay na iyo , eh, ‘di kunin mo! Ibig sabihin , tatayo ka at hahakbang ka papunta sa bagay na gusto mo at ito ay kukunin mo. Pagkakuha mo , babalik ka sa iyong kinauupuan at ang bagay na iyon ay yayakapon mo at hahawakan ng mahigpit.Paulit-ulit na gawin mo ang pagsasanay naito. Kahit habang nakatayo ka , maghanap ka ng bagay na sasabihin mo , “Gusto kita!” Tapos ,ganun uli ,lalapitan mo at kukunin mo at yayakapin mo at hahawakang ng mahigpit. Kapag paulit-ulit mo itong ginawa , makakaasa ka na bagay gustuhin mo ay mapapasaiyo. Gutso mo bang ng maraming pera ? Gusto mo rin ba ng isang negosyong magpapayaman saiyo ? Gusto mo ba ng magagandang bahay , ng magagarang sasakyan at ng mga ari-arian na magpapasaya saiyong kalooban? Syempre ,gusto mo , ‘di ba? Kasi po ang lahat ng iyan ay talagang gusto ng mga isinilang sa Zodiac na Aries at ng lahat ng taong napabilang sa Firetype.Gusto mo rin ba ng asawa? Bilang pagtatapat saiyo , medyo , mahihirapan na makapag-asawa ng maaga ang mga nasa Firetype ,tulad mismo ng naranasan mo. Pero pwede rin naman lalo na kung matigas ang kanilan ulo , papayagan din naman sila ng kanilang kapalaran kaya lang dahil bawal sa kanila ang mag-asawa ng maaga , kikilos din ang kanilang kapalaran ay sila ay mahihiwalay. Bakit? Dahil nga po hindi pwedeng hindi matupad ang hula na sila ay makakapag-asawa “late in life” na ang asawang tinutukoy ay for life o hindi na sila mahihiwalay pa hanggang sa kanilang huling hininga.Eh , bakit ba , kapag pera , yaman at ari-arian ang ginusto ng mga nasa Firetype ay tiyak namakukuha nila samantalang paulit –ulit na sinasabi ng Senyor mo dito sa ating kolum na ang mga nasa Firetype ay hindi pwede na gustuhin na makapag-asawa ng maaga? Kasi , Annielyn , ang asawa ay hindi kabilang sa mga materyal na bagay ,kaya ang asawa ay hindi hinahangad dahil nga ang materyal na bagay lang hinahangad. Magkaganuman , makakapag-asaw pa rin naman ang mga nasa Firetype at ito ay mangyayari sa kanilang buhay sa age 36 or near the age 36 . Ibig sabihin , pagsapit nila sa nasabing age ang kanilang kapalaran ay kusang gagalaw at sila ay makakapag-asawa na. Sa age na ito magsisimula ang kanilang tunay na lovelife. At dahil 36 yrs old ka na now , ngayon na ang tamang panahon upang matupad ang hula saiyo na ang kayamanan ay para saiyo at ang kaligayahan ay para din saiyo.