EVILMERODAC
Ang mga isinilang sa Zodiac Sign na Leo ay likas na masuwerte. Sa mga tao , maraming kahulugan ang “suwerte.”
Gaya ,may isang taong ay nagsisikap at naghihirap at nagbunga ang kanyang pagsisikap at paghihirap , sasabihin ng kanyang kapwa , “Masuwerte Siya.” Meron naman na taong mahilig sa pakikipagsapalaran na halos wala ng gingawa kundi ang magsugal at kapag siya ay nanalo , sasabihin ng kanyang kapwa , “ Masuwerte Ang Taong Ito.”
Mayroon din na nag-aral na mabuti bilang isang estudyante , ng makagraduate at may matataas na grade , sasabihin sa kapwa ng iiba , “ Masuwerte Siya!” Mayroon ding sobrang sipag sa work at ng itaas ng amo ang kanyang posisyon ,ang sabi ng mga workmate niya ,”Masuwerte Siya!” Mayroon ubod ng tipid a sobrang masinop at ng siya ay yumaman ang sabi ng mga tao ,”Masuwerte Siya!”
Maaring suwerte nga ang mga taong ating binabanggit pero ang tunay na masuwerte ay walang iba kundi ang mga taong Leo ang Zodiac Sign at ang mga isinilang sa petsang ika- 1st , 10th , 19 at 28th , gaya mo at gaya rin ng anak mo.
Ang salitang “ Tagumpay or Magtaagumpay” ganundin , gaya rin ng “Sinuwerte or Masuwerte” , may iba –ibang pakahulugan ang bawat tao . Kumbaga , akala ng mga tao kapag nagtagumpay at sinuwerte!
Pero ang totoo , sa “Tagumpay” ay may labanan na kailangang mapanalunan , gaya mismo ng mga Hamon ng Kapalaran at mga Pagsubok na kailangang malagpasan. Pero sa Suwerte” , lumaban man o hindi , magkapasa man sa pagsubok o hindi , walang gawing anuman o magsikap man o magdaan sa hirap , hindi na ito mga kailangan.
Ibig sabihin , ang tao ay masuwerte dahil siya ay masuwerte ! At ang ganitong kapalaran ay para sa mga, muli, isinilang sa Zodiac Sign na Leo at sa mga petsang ik-1st, 10th, 19th at 28th.