top of page

  Kaya sa panaginip niya siya ay lilipad. Pero bakit siya bumabagsak? Ang dahil ay ang ilang sa mga sumusunod; Kapag hindi pa siya nakahanda pero nagpilit siyang simulan na ang kanyang pangarap , siya ay babagsak . kaya ang ipapayo sa kanya , ihanda muna niya ang kanyang sarili bago niya isagawa ang kanyang mga gusto sa buhay.Halimbawa , gusto niyang yumaman kaya magnenegosyo siya pero dahil kulang siya sa kaalaman tungkol sa negosyong papasukin niya , mas malamang na bumagsak siya , ‘di ba? Ganundin , kapag nag negosyo siya pero kulang ang kanyang puhunan , ‘di ba , babagsak din ang negosyo niya?Pero sa totoo lang , kung pangarap din lang naman ang pag-uusapan , okey lang naman na ang nangarap ay makaranas ng pagbagsak , dahil sa pagbagsak siya ay maraming matutuhan. Sa mga nagtagumpay na , alam na alam na nila na ang mga kabiguan ay hindi naman final , kumbaga , ang failure ay itinuturing na temporary defeat lang kaya hindi ito hadlang sa taong gustong umunlad ang buhay.Sa pagbagsak , mas maganda na nagaganap ito sa simula o sa bandang unahan ng pagpupunyagi o pagsisikap dahil ang pagbagsak sa panahon ito ay hindi gaanong malalala , ang masama na maranasan ng tao ay ang bumagsak siya habang siya ay nasa itaas na ,ito ang pinakamasamang pagbagsak. Kaya sa mga panaginip mo na bumabagsak ka , mas masuwerte ka dahil ang pagbagsak mo ay mga pagtututo lang saiyo kung paano mo makukuha ang pangarap mo.Kaya kapag muli mong napanaginipan na bumabagsak ka kapag lilipad ka na , alalahanin mo ang sinabi ko na may mga kailangan ka pang matutuhan upang makaiwas ka sa pagbagsak kapag ikaw ay nasa itaas.

sa panaginip niya siya ay lilipad

bottom of page