top of page

  Ang mga taong may rounded nail ay pinaghaharian ng Air Element , ibig sabihin , isip ang naghahari sa kanila . Syempre , may pagkakataon din na silay pinaghaharian din ng iba pang elemanto kaya ito ay nangangahulugan lang na mas madalas kaysa sa hindi ay isip o mind ang kanilang pinagagana lalo na tungkol sa mga mahahalagang aspeto ng kanilang buhay. Ang mga may square nails ay pinaghahiraan ng Earth Element , ibig sabihin , mas ginagamit nila ang kanilang pisikal na katawan kaya sila rin ay bibiyaan ng matibay ,matatag na pangangatawan at kalusugan. Ang mga may spatulate nails ay pinaghaharian ng Fire Element , ibig sabihin , higit na pinahahalagahan nila ang kanilang ambisyon o ang katuparan ng kanilang mg pangarap . Kaya sila rin ay makikitang subsob sa trabaho at mga nagpapayaman. Ang mga may pointed nails ay pinaghaharian ng Water Element , ibig sabihin ,damdamina ng kanilang sinusunod kaya sila rin ay mas pinagtutunan ng pansin ang tungkol sa kung paano sila magkakaroon ng kaligayahan at kung paano mapapanatag ang kanilang kalooban. Ang kuko ay normal na tumubo sa loob ng anim na buwan o six months ,kaya ang mga abnormalidad na makikita sa kuko ay madaling malaman kung kailan nagaganap at ito rin ay nagbabalita na ang may ari ay may karamdaman na inuiugnay sa klase ng abonormalida na nasa kuko. Ang sobrang lumiit ang kuko , may posibilidad na ang sakit ay sa dugo o daluyan ng dugo. Nagbabala rin ito na ng posibleng sakit sa puso. Ang kuking malalaki ay nasa mga taong ang mga sakit ay may kaugnayan sa pamamaga o sa mga oagkakaroon ng tubig sa mga bahagi ng katawan. Kapag may nakitang mga guhit na papataas ang may –ari ay pwdeng magkaroon ng rayuma sa puso , kapag ang guhit ay papahalang ang sakit ay naranasan na. Ang tungkol sa Puting Buwan o White Cresents sa kuko- Kapag sobrang malaki ang Putting Buwan ito ay nagpapahiwatig ng blood pleasure is high o matataas ang presyon ng dugo. Kapag maliiit ang Puting Buwan ay mababa ang blood presure at ang may ari ay walang gaanong ginagawang pisikal na aktibidad. Ang mga taong masaya o maligaya ang buhay ay may Putting Buwan na ang sukat ay regular na na makikitang hindi sobrang malaki at hindi rin sobrang maliit , ang pagsukat sa normal na Puting Buwan ay ang titingnan ang lahat ng kanyang daliri sa kamay at ang lahat ng kanyang Putting Buwan na ikukumpara ang sukat ng lahat at ang huhusgahan ang kanyang regular na sukat sa sukat ng karamihan. Ibig sabihin , ang mga abnormalidad na makikita sa kuko ay hindi sa lahat ng kuko makikita , kaya ang mga ito o ang mga babala ng karamdaman ay makikita lang sa isa o s dalawang kuko at hindi sa lahat ng kuko . Ang sobrang mapulang kuko ay nagbabala ng agaran pag-atake ng mataas na presyon ng dugo kaya ang may ari ay kailangan na agad na mamahinga kaag ito ay kanyang napuna. Ang mga maliiit na tuldok na maaring white o may iba pang mga kulay ay babala ng sakit sa kalukulangan ng sustansya , agad na pinayuhan na kapag nakita , dapat na uminom agad ng mag mineral at vitamina dahil maaaring mabilis na umate ang sakit na may kaugnayan sa kanyang mahinang kalusugan. Kapag nakitang ang kuko ay kulay asul o maasul o violet oo deep violet , agad na kumunsulta sa kanyang doktot upang maiwas sa atake sa puso. Kapag nakita ang kuko ay parang madaling mabunot o humiwalay sa mismong daliri , agad din na magpunta sa kanyang doktor upang maagapan kung meron man na cancer cells sa kanyang katawan.

may rounded nail ay pinaghaharian ng Air Element

bottom of page