EVILMERODAC
Kapag nakakita ka ng isang taong kung lumakad ay mabigat ang mga hakbang, siya ay isang Earthtype na nilalang. Oh , ayan , may alam ka na sa panghuhula! Ang estudyante , tinatanong ng kanyang guro base sa kung ano ang sa kanya ay itinuro , kaya ang unang tanong ko saiyo ay ganito , anong klase ng tao ang kapag lumakad ay mabibigat ang paghakbang? Madali lang ang sagot , di ba , kasi itinuro ko na saiyo sa unahan.
Kapag nakakita ka ng taong kung lumakad ay humakbang na tulad ng sundalo , siya ay isang Fire Sign. Oh , ayan , dalawa na ang iyong nalalaman. Pero dito sa ikalawa , para hindi ka maligaw , iminumungkahi na titigan mo ng titigan ang sundalo habang siya ay naglalakad para matukoy mo kung paano lumakad ang sundalo.
Kapag may nakita ka ng isang taong kung lumakad ay umaalog ang katawan , siya ay isang Watertype na nilalang. Oh ,ayan , tatlo na ang iyong alam. Pero dito sa ikatlo , ang rekomendasyon ay kumuha ka ng timba o lalagyan ng tubig , syempre , lagyan mo na rin ng tubig at saka buhatin mo at maglakad ka , titigan mo ang tubig sa loob ng lalagyan ng saganun ay makita mimso ng mata mo ang pag-alog ng tubig at saka isip-isipin mo habang pinagmamasdan mo ang isang tao na lumalakad kung siya nga ba ay may pag-alog na tulad ng sa tubig.
Kapag may nakita ka na isang taong naglalakad na may pag-imbay ng mga kamay o ang katawan ay may paggalaw tulad ng nagsasayaw , siya ay isang nilalang na Airtype. Oh ,ayan , apat na ang iyong alam. Dito sa pangatlo , hindi ka naman mahihirapan ,dahil madali lang naman na mapuna ang taong kung maglakad ay parang nagsasayaw.
Ano,iho , mayroon ka na agad na nalalaman sa panghuhula , di ba? Mabilis at hindi mahirap! Alam mo , ang Senyor , nagtuturo ng mabilisang paraan ng mga panghuhula pero sa mga interesado lang kaya ang iba , hindi naman interedo na makaalam ng paraan ng mga panghuhula , dahil ang napansin ko ang talagang gusto nila ay sila ay huluaan ng personal , pero okey na rin kung ganun kasi nga minsan , kapag nakaharap na sila saka pa lang mahahalata mo sa kanila na hula at hindi kaalaman ang nasa isip nila.
Balikan natin ang mga natutuhan mo sa itaas.
Ang mga earthtype na nilalang , masisipag , matitiyaga , matibay ang katawan ,malalakas at matagal o mahaba ang buhay. Hindi na nila kailangan pang lumayo para lang hanapin ang mga suwerte nila sa buhay. Dahil ito ay totoo , kahit sa pag-aasawa , nasa tabi lang nila o malapit lang sa kanila ang kanilang mapaangasawa. Ito rin ay sa dahilan ang napapangasawa ng tao ay ang kanilang mga kapalaran.
Ang mga firetype naman ay masigasig , ambisyoso , punong –puno ang sigla at nabubuhay ng dahil sa kanilang mga pangarap. Dahi dito , kusa silang aalis sa kanilang sinilangan upang hanapin ang katuparan ng kanilang mga ambisyon sa buhay at ang kanilang mapaangasawa ay ang mga makakatulong sa kanilang mga pangarap.
Ang mga watertype naman ay mga maramdamin , emosyunal at masarap mag mahal ,malamning at maasikaso , sila rin ay aalis sa kanilang kinalalagyan upang hanapin hindi ang katuparan ng kanilang ambisyon kung ang hanapin ang kanilang kaligayahan.
Ang mga airtype ay masasayahin , lakwatsera’t lakwatsero , hindi nanatili sa iisang lugar , kung saan –saan makakarating at walang pinakahahangad kundi ang kanilang personal na kalayaan. Kaya sila rin ay aalis sa kanilan kinalagyan kapag nabagot , nalungkot , kinulong at hinadlangan ang kanilang kalayaan , bagama’t ang lahat ng tao ay masarap na buhay ang gusto ,sila rin ay ganu subalit babalemawain nila ang masarap na buhay kapag ang kanilang kalayaan ay ang nakataya sa kanilang harapan.
Oh , ‘yan, inaasahan ko na may natutuhan ka. At upang mapaunlad mo pa ang iyong karunungan , mas maganda na bukod sa titingnan mo kung paano lumakad ang mga tao , kailangan ay makipagkwentuhan ka rin lalo na sa mga kakilala mo ng sa ganun ay aktuwal na madinig mo sa kanila ang mga katotohanan tungkol sa mga itinuro ko sa iyo ngayon.
Good Luck and God Bless.