top of page

I'm bawat tao may misyon sa mundo. Kaya nga ang taong nabubuhay na kung ano-ano lang ang pinaggagawa , para din hindi na sila mga tao. Pero ang ganung kalagayan , sa totoo lang pansamantala lang , dahil hindi magtatagal ay maunanawaan din nila na ma misyon silang dapat na gampanan.Kumbaga , walang tao dito sa ibabaw ng mundo na nagpatuloy na kung ano-ano lang ang pinagkaka-abalahan na mga wala namang kwenta ang buhay. Kahit na nga yong mga mahihilig sa bisyo , nakakaranas sila ng mga ilang sandali ng katahimikan na para bang nagsasabi sa kanila na ang buhay nila ay dapat na may kabuluhan. Ganundin ang nararananasan ng mga taong walang layunin sa buhay , dumarating sa kanila na sila na mismo ang nasusuri sa kung ano ang kahulugan ng buhay. Ganito ang nangyayari sa mga taong walang mga pangarap , natatauhan din sila at biglang nagkakaroon ng mga pangarap sa buhay.Kapag ang misyon ng tao ay ang yumaman , siya ay mananaginip na siya ay may negosyong dapat na tutukan. Kapag ang misyon niya ay ang mag-abroad , mananaginip siya na siya ay nasa ibang bansa Kapag ang misyon niya ay ang magmahal , paulit-ulit siyang mananaginip na may minamahal. At kapag ang misyon niya ay ang maglingkod sa kapwa , tulad mo , mapanapanginipan niya si Lord na kanyang nakausap at nakita ng personal.Pwedeng hindi ka basta –basta na maniniwala sa sinabi ko sa ngayon pero pwede mong matuklasan kung ang pagliligko nga ba sa kapw ay ang misyon mo sa buhay. Kaya bilang isang katuwaan pero isa ring seryosong bagay , maghanap ka ng mga taong isinilang sa iyong Zodiac Sign na Capricorn , makikita mo na sila ay mga naglilikod sa kapwa. At matutuklasan mo rin na sa unang bahagi ng kanilang buhay , malayo ang loob niya sa mga tao, mas gusto nila na tahimik sila , mahihiyain pa nga sila at hindi nila akalain na sa huli pa ay paglilingkuran nila ang maraming kapwa nila tao.Kaya nga sa kung sino ba ang madalas na makapanaginip kay Kristo , sila ang numerong unong nanaginip ng tulad ng napanaginipan mo. Ang masuwerteng balita para sa mga tulad mo na natakdang ng maglingkod sa kapwa ay ito , dahil sa paglilingkod , kailangan na may magagamit siya sa pagtulong sa kapwa ,kumbaga , talagang ang bawat uto ay laging una muna bago ang pagsunod.Tanggapin mo ngayon , mula mismo sa panaginip mo , ang Utos ng iyong Kapalaran na ikaw tulad ng nasabi na ay kailangan maglingkod sa kapwa mo tao. Wala kang karapatang ito ay tanggihan , hindi pwede na hindi mo ito gagampanan dahil kung hindi ka susunod , makakaranas ka ng naranasan ni Jonas na kahit saan ka magpunta at anuman ang gawin mo kukunin ka ng kapalaran mo upang tuparin ang utos saiyo ng kaplaaran mo. Si Jonas , iha , ang isa sa mga dakilang propeta na kung saan ay sa una ay ayaw niyang sundin ang utos sa kanya na siya ay maging propeta hanggang sa lamunin siya ng malaking isda.Tulad ni Jonas , hindi siya naniwala na bagay siyang maging isang propeta pero ng ginagampanan na niya ang mismong niya , ang lahat ng kanyang kailangan para dito ay pinagkaloob sa kanya. Dahil dito , iha , wag kang matakot , at alisin mo ang iyong mga pag-aalala ,paglingkuran mo ang kapwa dahil ito ang misyon sa buhay mo.Hanggang sa muli,Professor Seigusmundo del Mundo.

bawat tao may misyon sa mundo.

bottom of page