EVILMERODAC
maraming kabataan bago dumating ang kanilang maturity , makikitang interesado sa witchcraft.
may dalawang klase ang wicthcraft. Ang sikat na sikat na alam na ng lahat ay ang tinatawag na Black Magic. Ito rin ay tinatawag na Mahica Negra. Kaya marami rin ang nagsasabi na ito ang Itim na Karunungan. Itim dahil sa salitang Black at salitang Negra. Ang mahica naman o magic ay Karunungan ang kahulugan.
Ang isa pa na Divine Magic o Divina Mahica , kilala rin ito sa tawag na Mahica Blanka. Ang salitang Divina o Divine ay Banal ang kahulugan at ang Blanca ay Puti naman ang ibig sabihin.
Ito ang dalawang pwersa na naglalaban at ang kanilang pagtutunggalian ay magpakailaman. Ayon kasaysayan , maging sa Langit ay nagkaroon ng labanan , ang Mabuti laban sa Masama . Ang panig ng kabutihan ay gumagamit ng Divina Mahica at ang panig ng Masama ay nagtataglay naman ng Mahica Negra. Inilarawan ang kanilang matinding pagpalalaban sa kwento ng digmaan ng mga angel sa kalangitan na kung saan , pansamantalang nanalo ang panig ng kabutihan laban sa panig ng kasamaan.
Pansamantala lang na nanalo ang isa dahil hindi naman lubusan nagapi ang isa pa ,ayon sa kwento , pagsasagupa ng dalawang makapangyarihan pwersa nahulog sa lupa ang isa pero buhay pa. kaya hindi ganap na nagapi dahil nga nahulog lang ay hindi naman namatay.
Sa lupang kanyang kinahulugan , nandito ang Tao. Kaya dahi dito nahulog ang panig kasamaan , siya at ang tao ay magkasama na nandidirito. Samantala ang panig ng kabutihan na kanyang nakalaban ay nanatiling nasa kahiraan ng Langit , dahil siya lang naman ang nahulog sa kung saan tulad ng ansabi na ay naninirahan ang Tao.
Ang Tao ay hindi kakampin ng masama pero hindi rin siya kakampi ng Mabuti. Dahil ang tao ay may sariling kapangyarihan.Mahirap man na paniwalaan pero isang katotohanan ang Tao hindi mabuti pero hindi rin masama.
Pero bakit nga ba siya o ang tao ay nagiging masama pero siya rin naman ay pwedeng maging Mabuti. Dahil ang isa pang totoo taglay ng bawat tao ang dalawang kapangyarihan , nasa kanya ang kapangyarihan ng Kabutihan pero nasa kanya rin ang pwersa ng Kasamaan. Kaya nga tulad ng nasabi na siya o ang tao ay pwede maging mabuti pero pwede rin siyang maging masama.
Ang espesyal na katangiang ito ng bawat tao , ang isa sa dahilang kung bakit inggit na inggit sa kanya o sa tao ang tinatawag na Satanas. Dahil si Satanas , isa lang ang kapangyarihan at ito nga ay ang ang pwersa ng kasamaan. Samantalang ang bawat tao , dalawa ang taglay , muli ,ang isa ay ang Pwersa ng kabutihan at ang isa pa ay ang pwersa ng kasamaan. Si Satanas , hindi pwedeng mamili dahil kahit kailan hindi niya pwedeng piliin ang kapangyarihan ng Mabutim, samantala ang bawat tao pwede kung ano ang gusto niya sa dalawang kapangyarihan nasa kanya. Kaya nga kahit ikaw si Satanas ,maiinggit ka rin sa tao , di ba?
Natatangi , kumbaga , kakaiba at espesyal talaga ,di ba ,ang Tao kaysa sa lahat ng nilalang dahil siya lang ay may karapatang mamili kung ano ang gagamitin niya sa dalawang pwersang nasa kanya?