EVILMERODAC
ang dasala na Sumasampalataya ay ang dasal na dapat na gamitin ng tao kapag may masamang espirito na gusto siyang sapian o saniban o lukuban. May iba pang mga dasal na itinuturo ng Inang Simbahan pero ang mga iyon ay may kanya –kayang pinaggagamitan.Hindi lahat ng dasal nagbubunga ng magandang resulta dahil nga sa mali ang pagamit. Pero hindi lang naman sa pagdadasal namamali ang tao, ,minsan mali rin ang pananaw niya kapag may yumakap sa kanya hindi niya kilala o mas malakas o mas makapangyarihan kasya sa kanya , aakalain agad niya na ang iyon ay masamang espirito lalo na kung nangyari ang ganito sa kanyang panaginip. Dahil ang sinasabi mong masamang espirito sa panaginip mo na yumakap saiyo ay totoong tao. Siya ay isang lalaki na may gusto saiyo , kaya lang hindi mo siya kilala ng lubusan pero tiyak na sa kasalukuyan ay madadama mo na siya nga ay may pagtingin saiyo. Ang salitang “pagtingin” kapag lovelife ang pag-uusapan ay iniuugnay sa mga sulyap ng pag-ibig. At ang sulyap ng pag-ibig ,iha , kapag mabisa ay tumatagos sa buong pagkatao ng sinulyapan o pinukol ng mabilis na titig. Sa pagtagos ng sulyap o titig ng pag-ibig , lalaganap ito sa buong katawan kaya ang tinitigan o sinulyapan ay yayakapin ng makapangyarihang pwersa ng pag-ibig. Sa una , hindi ito alam ng Katawang Pisikal pero ang pagyakap ay nadama ng Katawang Hindi Nakikita ng tao. Kaya ang unang na-iinlove ay ang Katawang Hindi Nakikita. At dahil nga sa ipagpapalagay na ito ay isang klase ng pagsanib o pagsapi ng masamang espirito , ang tao ay magdadadal ng Sumasampataya. At dahil talagang sobrang makapangyarihan ang dasal na Sumasampataya , matatalo inakala niyang espirito na pumasok sa kanya. Kumbaga , parang siya ay nanalo laban sa masamang espirito . Pero dahil hindi naman talaga masamang espirito ang nasa kanya kundi pwersa ng makapangyarihang pag-ibig , sa ibang araw ay muli siyang mananaginip ng ganun ulit. Sa madaling sabi ,kapag ang tao ay paulit-ulit na nanaginip na siya ay niyakap ang “espirito” , ibig sabihin , hindi talaga espirito ‘yon kundi ibang makapangyarihang pwersa at ito nga ay ang malakas na power ng taong umiibig. 2. Ang “punong bayabas” ay isang klase ng panaginip na tinatawag na phallic symbol na hindi napapanaginipan ng mga bata o sobrang bata dahil ang panaginip naito ay para lang sa mga dalaga na matured na na pwede ng mag-asawa o pwede ng pumasok sa isang malalimang pakikipagrelasyon. Ang katotohanan ito na masasalamain din sa likod din ng yong panaginp ay nasa “pinitas mo at ibinigay mo sa isang lalaki.” Ibig sabihin , lihim ka rin may gusto sa isang lalaki na “kapit=bahay” mo at ang inyong pagmamahalan kung saka-sakali ayon sa iyong panagnip ay magbubunga ng maunlad at masaganang buhay dahil ito ang ibinabalita ng ‘mamalaking bahay at maluwang na mga bakuran.” 3. Nagbabala ng panaginip mong ito ng isang lisyang relasyon na pwedeng mapasaiyo dahil may isa pang titingin=tingin saiyo na sa totoo lang ay hindi na pwede pang makipagrelasyon sa kahit na sino.