top of page

Napanaginipan daw po niya na may ka-sex siya sa sofa na hindi naman niya kilala

Dear Professor,
Good evening po! Pasensya na po , medyo maselan po kasi ang panaginip ng boyfriend ko. Napanaginipan daw po niya na may ka-sex siya sa sofa na hindi naman niya kilala, tapos bigla po dumating ang girfiend ng kapatid kong tomboy at tinatanong kung andun ba ako? Nakiinom pa raw po siya nun at habang umiinom daw po siya ay pinapanood niya ang boyfriend ko at yong girl . At natukso daw po ang girlfriend ng sister ko na sumali sa kanila. Ang sabi pa raw ,eh, gusto raw niya maranasan ang makipagsex sa lalake. At yun nga po ay nagsex nga daw sila at nag enjoy silang dalawa. Sinambit pa na bigyang siya ng anak at iwan na lang ako.
Di na po ako natahimik nung ikinuwento niya sa akin yon . Bigla ako natakot na di ko malaman.
Nakakaturete po ako. Dati pong babaero ang boyfriendko at sinisikap niyang magbago para sa akin at sa mga bata. At mahal na mahal po namin ang isat- isa. Kaya lang medyo nakakabahala po ang panaginip niya.
Minsan nga po, eh , nanaginip siya na may girlfriend siya pero iba naman kahalikan niya. Bat po kaya ganon? Sa totoo lang po ,eh ,’di pa kami nagsisiping, di pa kasi ako handa eh. Please lang po para naman makalmante ako. Marami pong Salamat!
Firefly.
Saiyo Firefly,
Ganito po ang masaya pero hindi gaanong kagandaang katotohanan sa buhay ng mga lalaki , “Once a babaero , always act like a babaero.” Pero , tumaas ng husto ng kilay mo , gusto kong sasabiihin na rin saiyo na ang mga tinatawag na babaero ay yong mga lalaki na talagang babaero. Ito ang mga lalaking mapaglaro sa pagmamahal kaya nga ang tawag din sa kanila ay mga “playboy.”
Meron mga tinatawag na playboy or babaero pero , tawag lang sa kanila ang ganun dahil hindi naman angkop sa kanilang buhay ang mapaglaro sa pagmamahal. Akala kasi ng marami kapag ang isang lalaki ay nagkaroon ng maraming karelasyon , babaero na siya o playboy, ang hindi alam ng mga tao , kaya siya nagkaroon ng maraming karelasyon ay dahil sa paulit-ulit siyang nabigo , kumbaga, paano magiging playboy ang ganun , eh , siya pa na yata ang nabiktima ng maraming playgirls.
Sa mga playgirls , ganundin , One a playgirl , always act like a playgirl.” Pero yon na , hindi dahi sa maraming nakarelasyon lalaki ay playgirl na dahi baka nga siya rin ay biktima ng paghahanap niya ng isang seryosong lalaki na mamahalin siya.
Mapaglarong pag-ibig , ang nasa playboy at playgirl kaya kapag ang isang lalaki o babae ay seryoso naman sa kanyang harangin pero masawi siya sa kanyang lovelife , hindi siya dapat na ibilang sa mga ito.
Sa tingin ko , ang boyfriend mo ay hindi naman babaero dahil nagagawa niyang hindi makapagrelasyon sa iba kahit hindi naman pala kayo nagtatalik , mas malamang na ang kanyang mga nakaraang kasaysayan sa pakikipagrelasyon ay tulad ng nasabi ,siya ay ang biktima ng mga babaeng nakakikipagrelasyon pero hindi naman mga seryoso. Pwede ang boyfriend m rin ay siyang umayaw sa kanyang naging ma girlfriends pero hindi pa rin sapat para sya ay matawag na totoong playboy dahil ang ganitong sitiwasyon ay nangyayari lang naman kapag ang lalaki ay nainlove sa isang babaeng kinakitaan niya ng kahinaan.
At kung sakaling totoo pa lang babaero ang boyfriend mo , bilang pagtatapat saiyo , muli kong ulitin na “Once A Playboy , Always Act Like A Playboy” kahit pa sa sabihin na niya na syang nagbago na!
Kapag napanaginipan na nakikipag-sex ang ibig sabihin ay gumana ang tinatawag na biological sex clock ng nanaginip. Pero dahil sa tunay na buhay ay wala siyang makatalik tulad sa inyong sitwasyon , sa mga panaginip ay makikitang siya’y nakikipagtalik.
Ganito ang nangyayari sa biological sex clock ng tao , halimbawa, regular na nakikapagtalik at pagkatapos ay natigil ang pagtatalik , ang tao , lalaki man o babae ay tiya na mananaginip na sya ay nakikipagtalik. Pero dahil hindi naman lahat ay nagkikipatalik , kaya ganito naman ang magiging salita , “kapag regular na aktibo ang sex life at biglang na deactivate , lalaki man o babae ay tiyak na mananaginip ng tungkol sa sex.”
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo.
."

  • facebook
  • Twitter Clean
  • w-googleplus

2023 by Business Solutios.

Visit

2601 Mission St.

San Francisco, CA 94110
 

Call

T: 123-456-7890
F: 123-456-7890

 

Contact

info@mysite.com

bottom of page