Dream
Solutions
Tagalog Version
unconcious self
Dear Professor,
Good day po! Nabanggit ninyo po minsan ang tungkol sa unconcious self na mahirap gisingin or something , sino po ba siya ? Maari po bang i-explain pa? Saan p po ba siya nagpaparamdam maliban po sa panaginip? Paano po sya naglalakbay? Siya po ang tintawag na astral form? Or iba pa po yun? infairness malakas ung unconcious self ko, kasi po ung mga napapanaginpan ko halos nagkakatotoo.
Noo po napanaginipan ko na po ung bf (pero ngaun ay ex na) bago ko pa siya sagutin at pati rin po noon habang nagtatrabaho po ako at nag-aaral. Alam ko na may problema kasi napanaginipan ko po na. Maraming salamat po!
KJ.
Saiyo KJ,
Oo , iha , hindi basta –basta ginigisng ng tinatawag na unconcoius self. Sapat na para sa mga pangkaraniwang tao na malaman nila o maunawaan na sa loob ng katawan ay may nakarita o nanahanan na siyang umaakin mismo sa kanyang pisikal na katawan. Kaya nga kapag binabanggit ng Professor mo, ang tungkol dito ang ginagamit kong salita ay para sa kanya ay ang “Katawang Hindi Nakikita.”
Dahil kapag ang ating Katawang Hindi Nakikita ang makikialam sa ating pang-araw-araw na galaw ng buhay, mababawasan ang ating saya, ligaya at sarap na mabuhay. Ito ay sa dahilang masyadong malakas ang power ng Katawang Hindi Nakikita , minsan nga ang tawag sa kanya ay Pure Power.
Ang sabi , ‘di ba , power begets responsability , kasi , ang power ng tao ay pwedeng maging absolute power at kapag naging ganito , mabigat ang responsalibilidad na katapat. Kaya , paano ka pa sasaya , eh, magiging marami ang iyong pasan sa balikat.
Ang Katawang Hindi Nakikita , dahil siya ay hindi ang Pisikal na Katawan , hindi siya sakop ng Batas sa Pisika ,kaya hindi rin siya sakop ng tinatawag ng science na Space , Matter at Time. Sa ganito pa lang ,makikita munang sobra ang kanyang kapangyarihan. Kaya niyang mahughugin o pasukin ang anumang Matter , kaya nga minsan , nasasalisik niya ang ilalim ng lupa at ,dagat at ng kalakawan ,kaya nga yon mga tagasubaybay natin sa tresure hunter , gustong-gustong matututo ng tungkol dito. ‘Yon iba naman na mahilig sa Time Travel , sobra ring makapangkulit na sila ay magkaroon ng kaalaman. Lalo na yon mga nangangarap na maging isang magaling na manghuhula , nag-pa-promise pa na babalatuhan daw nila ako kapag nagawa nilang malaman kung ano ang mananalo sa lotto.
Ang isinasagot ko, tulad din sa nabasa mo dito sa ating kolum na , “Sapat na malaman ng isang tao na bukod sa may Katawang Pisikal ay mayron din Katawang Hindi Nakikita.” Dahil nga , hindi para sa mga pangkaraniwang tao ang ganitong pagkakaroon ng kapangyarihan.
Pero , sinasabi ko rin na mga naging dakila dito sa balat ng lupa ay nakaranas ng biglang paggana ng kanilang unconscious self , sila rin na malayo ang narating sa buhay ay nagkaroon din ng ganoong mga karanasan , at ang mga taong nagtagumpay sa kani-kanilang larangan ay mga buhay na saksi na sa ganitong bagay.
Tulad mo , dahil sa ayon sa mga kwento mo , nangyayari sa buhay mo ,noon pa man , na ang iyong unconscious self ay nagpaparamdam saiyo , hindi nakakapagtaka na ikaw rin ay mapapabilang sa mga taong malayo ang marararating, maabot mo ring ang pinarurok ng tagumpay sa anumang larangan na iyong tutukan.
Kaya nga , gusto ko sanang ipauna ang aking pagbati ng “Congrats sa’yo ,KJ ! ” ,kasi yan ang nakaugaliang greetings para sa mga taong tulad mong marami ng achiements sa buhay at aani pa ng maraming tagumpay , kaya lang , bilang pagtatapat saiyo , sa totoo lang , kapag tinanong mo ang mga nagtagumpay , sasabihin nila , hindi naman sila talaga masaya , kulang ang kanilang ligaya at sabihin din nila , mas masarap yata ang buhay ng mga pangkaraniwang tao .
Muli , sapat na , na malaman ng tao na may Katawang Hindi Nakikita”, at ang pagnanais na makaalam pa ng ibang inpormasyon tungkol dito ay hindi na magbubunga pa ng ligaya na para sa mga pangkaraniwang mga tao.
Kaya sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong na humingi ng paumanhin sa mga tagasubaybay na gustong paganahin nila ang kanilang power kaugnay sa ating pinag-uusapan. Magkaganunman , pwede rin naman silang pagbigay kaya lang mabibigat ang kondisyon na maaaring hindi rin nila makayanan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo.