Dream
Solutions
Tagalog Version
“Kung sino ang ayaw mo siya ang para saiyo.”
Dear Professor,
Good morning po! Gusto ko lang po maliwanagan ang tungkol po sa panagnip ko. Medyo weird po kasi siya at kakaiba para sakin .Ang una po , nasa hause po ako ng Tita ko at nakulong daw ung aso sa loob nang hause, ng lumabas kami, hindi daw alam ng Tita ko kung anung gagawin at tinawag ko daw po yung aso at tinuro yung maliit na butas na alam kong maliit kaysa sa kanya at di sya magkakasya.Pero nung sinubukan, bigla siya nakalabas.
Tapos , dumalaw daw po ako sa bahay nang lola ko , may ginagawa dw sya kaya pumunta ako ng lamesa hiningi ko daw ‘ung sandals na nakatago doon , binigay nga sakinn at paglabas ko isinukat ko agad. Sa umpisang pasok pa lang ng paa ko masikip na,pero habang inu-unti- unti ko nagkakasya,biglang bigla na lang po na nagkasya sa paa ko.
Ang pangatlo po,umuwi ako sa bahay namin , nakita ko ‘ung taong pinaka , as in, pinakaka-kinaiinisan ko. Naupo sya sa bungad ng pinto ng kwarto namin ng sister ko,may mga sandali na nakikita kong sinisilip nya ang kapatid ko, nainis ako kaya sa sobrng inis ko po pumasok ako ng kwarto at sinenyasan ko sister ko na ‘ung knaiinisan namin ay nasa pinto lng,habang ang sister ko naman ay binabati yung ex nya ng “Happy Monthsary” pero ika-28 nung araw na yon , ang monthsary nila ay ika-03 ?
Ano kaya ang ibig sabihin ng mga ito?Sobrang nalilito po ako kaya sana po ay maulunganan ninyp ako. Salamat po!
Ms. Nens.
Sa’yo Ms. Nens,
Madalas ,sinasabi natin na ang “Akala” laging hindi tama ,kaya laging mali ang hinala. Meron pang nagsasabi na ang “akala ay nakakamatay” , as, in, ang tao ay mapapasama ng dahil lang sa kanyang akala.
Ang ganitong pananaw ay tamang –tama para saiyo , dahil , inaakala mo na ang iyong kinainisan kahit kailan , hindi mapapalapit saiyong kalooban. Akala mo , hindi maganda ang kanyang pagkatao kaya ayaw na ayaw na makita siya. Akala mo , ang mga kilos nya at mga pananalita , hindi uubra saiyo. Akala mo , hindi na darating ang time na siya ay magugustuhan mo, lahat ng ito ay alaka mo lang.
Dahil sabi ng panaginip , ikaw ay mabibigla , magugulat ka at mamangha at hindi makakapaniwala na ang iyon inakala na hindi mo magugustuhan ay siya pa palang baga na bagay saiyo.
Syempre , aangal ka , sasabihin mo , “Naku! Prof, nagbibiro ka yata! Malabong mangyari ang sinasabi mo! Inis na inis nga ako sa kanya , sobra! Talaga!” Oo ,tama ang sinabi mo pero ito ay ngayon lang ,ibig sabihin ,bukas-makalawa , hindi na ito totoo dahil tulad ng mensahe saiyo ng panaginip mo ,ang mga akala mo ay hindi magkakatotoo.
Pero pwede ba talaga na may ganun na ang iyong kinainisan siya palang magiging mahal mo? Ito po ay totoong dahil ito mismo ang nangyayari kapag nagkakatuluyan ang dalawang magka-opposite. Kumbaga , ang iiral na prinsipyo ng buhay sa inyong dalawa ay “Kung sino ang ayaw mo siya ang para saiyo.”
Sa ganitong sitwasyon , sa totoo lang ,ayaw din naman niya saiyo , kaya nga hindi naman ikaw lang ay may maling akala ,siya man ay ganundin, kaya lang sobrang malakas ang hatak ng batas ng pagkakaroon ng relasyon kapag nagaganap na ang,”Kung sino ang ayaw mo , siya ang para saiyo “ Kaya nga wala siyang magawa kundi ang sundin ang nadadama niya na kailangan lagi kayong nagkikita.
Pero kapag nakita ka na niya at makaharap , umaangal din maman siya , kaya nga lalo lang nakakagawa siya ng mga bagay na ikaiinis mo. Kasi nga pilit din naman niyang pinaglalaban ang nasabing malakas na pwersa na nagtutulak sa kanya.
Sa ngayon , hindi mo pa ito mauunawaan pero kapag naging kayo na , sa mga sandali na kayo ay magkatabi’t nakukurutan ,ikaw na mismo ang magsasabi sa kanya ng ayaw mo naman kanya pero ngayon hindi na. At siya ay sasagot , sasabihin niya “The Feeling Is Mutual.” kaya matatagpuan ninyo ang iyong mga sarili na sobrang masaya.
Hanggag sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo.
."